GEORGE Ilang gabi na akong walang tulog. Ilang gabi na rin akong umiiyak. Parati na lang akong nakakulong sa kuwarto ko. Hindi rin ako magawang kausapin ng mga kapatid ko dahil wala rin naman akong balak kausapin sila. Humingi ako ng vacation leave sa trabaho. Ngunit ang leave na iyon ay ginugol ko lamang sa loob ng kuwarto ko. Simula ng gabing may nangyari sa amin ni Syke sa condo ay iyon na rin ang huling pagkikita naming dalawa. Iniwan ko siyang mahimbing na natutulog. Nang gabing muli kong binigay ang p********e ko ay ang gabing labis na nadurog ang puso ko. Dahil iyon na rin ang huling gabing kasama ko siya. Nagsimula na kasi akong umiwas sa kan'ya. Kahit parang pinipiga ang puso ko dahil sa pag-iwas ko ay kailangan ko na itong panindigan. Mas lalala lang ang sitwasyon kapag

