GEORGE Simula ng nangyari sa kotse ni Syke ay gabi-gabi na yata akong hindi makatulog. Palagi na lang laman ng isip ko ang mga binitawan niyang salita. Kahit ilang beses yata sumagi sa isip ko ang mga sinabi nito ay paulit-ulit naman akong kinikilig. Pero simula ng araw na iyon ay ilang araw ko na rin siyang hindi nakikita. Isang linggo na ngayong lunes. Hindi rin napapadpad sa cellphone ko ang mga text nito na madalas kong mabasa. Kahit tawag ay wala akong naririnig. Iniisip ko tuloy na baka sumuko na ito sa kakasunod sa 'kin para malaman ang sagot ko. Baka nagsawa na ito. Sa isiping iyon ay nakaramdam ako ng lungkot. Hinahanap ko ang pang-aasar ng lalaking iyon. Marahil ay nasanay na ako sa presensya niya kaya ko nararamdaman ang ganito. Sinulyapan ko ang dalawa kong kaibigan na a

