GEORGE "A-anong sabi mo?" utal kong tanong na hindi inaalis ang tingin sa kan'ya. Gusto kong makasiguro na tama nga ang narinig ko. "I said…" sambit nito saka dahan-dahang humakbang palapit sa kinatatayuan ko. Paglapit nito ay hinawi nito ang buhok ko saka inipit sa gilid ng tainga ko. Dumausdos ang kamay nito sa braso ko patungo sa kamay ko. Hinawakan nito iyon at muling nag-angat ng mukha para sulyapan ako. "Bakit hindi mo ako papasukin sa buhay mo? Bakit hindi na lang ako ang maging boyfriend mo?" ulit nito sa sinabi kanina lamang. Nakipagsukatan ako ng titig sa kan'ya. Kahit man lang sa titig na iyon ay malaman ko kung totoo nga ang sinasabi niya. Pero kahit pilitin kong maniwala sa kan'ya ay hindi ko magawa. Sa maikling panahon na nagkasama kaming dalawa ni Syke, nakilala k

