GEORGE Isang linggo na ang nakalilipas simula ng umalis ako sa condo ni Syke. Sa isang linggo na iyon ay wala na naman akong natanggap na tawag o mensahe mula sa kan'ya. Marahil siguro ay tumupad lang ito sa usapan naming dalawa. Dahil alam na nito kung nasaan si Lui, malamang ay sinabi na nito kay Haru iyon at gumawa na rin ng paraan ang huli para puntahan ang kaibigan ko. Sana lang din ay hindi na magpakita si Syke sa 'kin dahil hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Sabihin na natin na tapos na ang tungkulin niya sa akin dahil nagawa na niyang malaman ang pakay. Ngunit, sapat ba iyon para hindi na s'ya magpakita sa akin? Dahil ba sa nakuha na niya ang matagal na panahon kong pinakaiingatan ay gano'n na lamang ba iyon? Muntik ko nang makalimutan, si Syke nga pala ang tipo n

