GEORGE Napahigpit ang kapit ko sa damit ni Syke habang yakap nito. Mariin akong pumikit. Pilit kong kinumbinsi ang sarili na nagkakamali lamang ako ng damdaming natuklasan ng yakapin ako nito. Kailangan ko itong iwaksi dahil hindi dapat ako makaramdam ng ganito sa tulad nito. Hindi si Syke ang maaaring bumihag ng puso ko. Masasaktan lang ako. Ramdam ko ang respeto sa bawat hagod na binibigay nito sa aking likuran. Ngunit hindi dapat ako magpadala sa gestures nito. Hindi sapat na dahilan ang pagyakap nito sa akin at paghingi ng tawad para bumigay ako. Mabilis akong kumawala sa pagkakayakap nito saka ito tinalikuran na hindi ito sinusulyapan. Naglakad ako pabalik kay Archie. Napansin ko ang madilim na mukha ng kaibigan ko ng sulyapan ko ngunit kalauna'y umaliwalas ang mukha ng makitan

