GEORGE Nagising ako sa sunod-sunod na katok sa aking kuwarto. Nasa kasarapan ako ng tulog pero may umabala naman sa mahimbing kong pagkakatulog. Tinatamad na bumangon ako sa higaan at tinungo ang pintuan. Dala ko pa ang kumot at pinaikot ito sa aking katawan. Pupungas-pungas pa ako ng mata ng buksan ko ang pintuan ng aking kuwarto. "Bakit?" aburido kong wika na nanatiling nakapikit. "Gumising ka na," sambit ng isa sa mga kapatid ko. Bagamat hindi ko tingnan ito ay si Kuya Gill ang kaharap ko. "Kuya, maaga pa. Hindi pa oras ng gising ko." Kakamot-kamot sa ulo na reklamo ko saka nagmulat ng mata. Ginulo ni Kuya Gill ang buhok ko saka pilyong ngumiti. "May bisita ka." Sambit nito. Kumunot naman ang noo ko sa tinuran nito. Bisita? Nang ganito kaaga? Umalis na sa harap ko si Kuya

