GEORGE Halos mapunit ang bibig ko sa lawak ng pagkakangiti habang abala ako sa ginagawa ko sa laptop. Para akong lumulutang sa alapaap. Nagawa ko pang i-libre ang dalawa kong kaibigan na ikinagulat ng mga ito. Hindi naman kasi ako nanglilibre sa kanila. Suntok sa buwan ang malibre ko silang dalawa. Sinabi pa nga nila sa akin na magpapamisa raw sila dahil himala raw na nanglibre ako. Kilala kasi nila akong matipid na tao. Kaya mas madalas ay sa kanila ako nagpapalibre. Nagawa ko na rin magsuot ng damit pangbabae. Nagulat pa nga ako ng makita ko sa sala ang maraming paper bag na puro laman ng mamahaling mga gamit. Iyon ang mga pinamili namin ni Syke ng sinama niya ako sa mall. Nagulat pa ako ng sinabi niya na para raw talaga iyon sa akin. Hinihintay lang daw niya na magpakababae ako p

