GEORGE Habang lulan ng sasakyan ni Syke ay panaka-naka ko itong sinusulyapan. Bawat sulyap ko rito ay hindi nawawala ang ngiti nito sa labi. Bahagyang kong tinuon ang atensyon sa magkahawak naming kamay na nasa hand break. Simula ng umalis kami ng opisina ay hindi na nito pinakawalan ang kamay ko. "Syke," pukaw ko rito. "Yes?" Hindi agad ako nagsalita. Nagdadalawang isip pa ako kung sasabihin ko ba sa kan'ya ang pumasok sa isip ko o hindi. "Wala. Nakalimutan ko na." Bagkus ay lumabas sa bibig ko. Sa gilid ng mata ko ay bahagya ako nitong tinapunan ng tingin. Kalauna'y tinuon na ang atensyon sa pagmamaneho. Napuno ng katahimikan ang loob ng sasakyan nito. Nagsalubong na lamang ang kilay ko ng mapansin ko na huminto ito sa gilid ng daan. Nagtataka ko itong sinulyapan. "Come

