GEORGE Kanina pa ako hindi mapakali. Mayat maya ang sipat ko sa aking pambising na relo maging sa aking cellphone. Parang gusto ko na lang hilahin ang oras para matapos na ang araw na ito. Hindi kasi ako tinawagan o ni-text man lang ni Syke kaninang umaga kung nakapasok ba siya sa opisina o hindi. Ang huling mensahe na natanggap ko ay ng umuwi siya ng nagdaang gabi. Tinawagan ko ito ngunit sandali lamang itong nakipag-usap at nagpahinga na dahil masama raw talaga ang pakiramdam nito. Gusto ko sana ito puntahan pero tumanggi ito. Tinatawagan ko ito kanina pero hindi ako nito sinasagot. Nag-aalala ako dahil baka natuloy sa sakit ang masamang pakiramdam nito ng nagdaang gabi kaya hindi na ako nagawang tawagan. Wala rin itong kasama sa condo at walang mag-aasikaso rito. "Ano nangyayari

