GEORGE Months passed by. Naging maganda ang takbo ng relasyon namin ni Syke. Natuto na rin ako na makinig sa bawat sinasabi nito. Bagamat may hindi kami pagkakaintindihan ay nagagawa pa rin namin na pag-usapan. Sayang nga lang at hindi sila nagkita ng papa ko. Nataon naman kasi ng dumating si papa ng birthday ko ay may business trip ito sa labas ng bansa. Bumawi na lang si Syke ng bumalik siya ng Pilipinas. Sa dami ng pasalubong niya pagbalik ay nawala ang tampo ko sa kan'ya. Mas gusto ko sana na kasama ko siya sa kaarawan ko pero wala naman akong magagawa dahil kumpanya nila ang nakasalalay. Nabanggit ko na rin si Syke kay papa. Ang sabi niya ay hindi na raw siya makapaghintay na makilala si Syke. Nagbiro pa nga ito na kikilatisin niya si Syke ng mabuti kung talaga bang seryoso ito

