Chapter 4 -Pikon si Eoghantot-

1809 Words
◄Eoghan's Fern► Masakit ang ulo ko... hindi lang dahil sa pagod, kung hindi dahil sa bigat ng lahat ng nangyayari. Ilang beses ko na siyang sinubukang kausapin, ilang beses ko nang nilapitan, pero every single time... parang sarado na agad ang pinto. Hindi man lang niya ako binibigyan ng kahit kaunting chance to explain my side. Ang hirap, kasi alam kong may kasalanan ako... but not in the way she thinks. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ba kasi kailangang biglang sumulpot ni Jacky? Bwisit talaga, nag-usap na kami, pero kinailangan pa talaga niyang ipamukha kay Melanie na may anak kami? Parang sinadya lang niyang guluhin ang lahat. Tapos ngayon, ang nobya ko naman ay iniisip na naglilihim ako sa kanya dahil gusto ko raw balikan si Jacky. Jesus! Hindi ba niya nakikita kung gaano ako kabaliw sa kanya? Inaamin ko, oo... nagkamali ako. Hindi ko agad sinabi sa kanya na nakakausap ko si Jacky sa phone. I should've been honest from the start, I know that. Pero may dahilan ako... hindi ko lang talaga kayang makita siyang magalit, or masaktan. I was trying to protect her, kahit na mali ang naging paraan ko. Natakot ako na baka isipin niya na babalikan ko si Jacky just because may anak kami. But that's not the truth. Not even close. Siya lang ang gusto kong makasama sa buhay ko hanggang sa pagtanda namin. Kahit na sa pagtanda namin ay pareho pa kaming nakasuot ng adult diapers, okay lang... basta siya ang kasama ko na nakasuot ng diaper. Ganuon ako kabaliw sa kanya. Hindi ko na kayang balikan pa ang nakaraan namin ni Jacky. Wala na akong nararamdaman para kay Jacky... wala, kahit konti. Siya na lang... siya lang talaga ang nasa puso ko. I'm crazy about her. Baliw na baliw ako sa kanya in a way na kahit ako sa sarili ko, hindi ko na maintindihan kung paano nangyari. She became my peace, my home, my everything. At ngayon, pakiramdam ko unti-unti siyang nawawala sa akin. Hindi ako papayag. Kung kinakailangan na itago ko siya sa isang lugar na kaming dalawa lang... gagawin ko. Araw-araw, dala ko itong guilt at takot ko. What if hindi na niya ako pakinggan? What if hindi na niya ako patawarin? Gusto kong sabihin sa kanya na kahit na anong mangyari... wala nang ibang babae na pwedeng pumalit sa kanya. Walang ibang makakakuha ng puwang na itinatak niya sa puso ko. Siya lang ang laman ng isip ko... sa umaga, sa gabi, sa bawat sandali na sinusubukan kong huminga nang maayos. And if she would just give me one chance... kahit isang pagkakataon lang, I swear I'll make things right. Hindi ko na kakausapin pa si Jacky kung iyon ang gusto niya at pag-uusapan na lang namin ang custody ng bata. Dapat matapang ako. Matatag. Isa akong pinuno ng Mafia... sanay akong ako ang kinatatakutan, ako ang sinusunod, ako ang hindi pwedeng kontrahin. Kaya bakit... bakit ako ang kinakabahan kapag si Melanie na ang tumatakbo sa isipan ko? Bakit parang nangangatog ang mga binti ko kapag si Melanie na ang nagagalit... at bakit natatakot ako sa tuwing naiisip ko na baka iwanan niya akong bigla? Tang-nang buhay ito. Sa dami ng taong kayang patumbahin ng isang utos ko, iisa lang ang hindi ko kayang harapin nang maayos... ang babaeng kinababaliwan ko lang. Kaya ako lagi inaasar ng mga high ranking members ko. Kasi kung gaano ako ka-ruthless sa iba, ganuon naman ako ka-tanga pagdating sa babaeng mahal ko. Baliw na baliw ako kay Melanie. Hindi na ito simpleng pag-ibig lang. She's my obsession. Hindi ko na 'yon mababago kahit anong gawin ko. Kahit anong pilit kong isipin na kaya kong kontrolin ang damdamin ko, wala... pag siya na, sabog lahat ng disiplina ko. sa sarili. Puta... baliw na talaga ako. Simple lang naman gusto ko ngayon... bigyan niya ako ng chance na magpaliwanag. Isang chance lang... lintik naman. Uupo lang naman siya at makikinig... hindi niya kailangang magsalita. Pwede siyang humikab, humiga, ngumuya, mangulangot, kahit na ano... basta makikinig lang siya habang nagpapaliwanag ako. Bakit ang hirap nuon para sa kanya? Napasabunot tuloy ako sa sarili ko at iyon ang tagpong inabutan ni Carter. "Dude, are you okay?" Tanong ni Carter, ang kanang kamay ko, sabay tawa. niya. Inayos ko tuloy ang buhok ko at masama ko siyang tinitigan. "Mukha ba akong okay?" Sagot ko, sabay ngiwi ko. "Honestly? Hindi. Mukha kang nasisiraan ng ulo." Sagot niya sabay tawa ng malakas. Bwisit talaga ang isang ito. "Bakit ka ba nandito? Umalis ka na nga. Iniistorbo mo ang pag-iisip ko." Inis kong sabi. Mas lalo tuloy siyang natawa at naupo sa sofa. "May meeting tayo mamaya, kaya nga ako nandito. Inagahan ko lang para mapag-usapan pa natin ang ibang detalye tungkol sa magaganap na meeting, pero mukhang busy 'yang utak mo sa ex-fiancée mo." Sabi niya kaya nainis ako sa kanya. "Hindi pa ako pumapayag na ex kami. Itutuloy ko ang kasal namin sa ayaw at sa gusto niya." Inis kong sabi, at saka ako humugot ng malalim na paghinga. "Ayaw niya akong kausapin para maintindihan niya kung bakit ako naglihim. Tang-na bro... kahit anong gawin ko, ayaw niya akong bigyan ng chance." "Bakit kasi hindi mo sinabi sa kanya na nag-uusap kayo sa phone ni Jacky. Sana hindi na nangyari ang lahat ng ito." Sabi niya. Tama naman siya, pero katulad nga ng sabi ko. May dahilan naman kasi ako. Natakot nga ako na baka hindi maunawaan ni Melanie ang tungkol sa anak namin ni Jacky. "Nagkamali ako, okay? Pero hindi naman ganon kalala para i-cut off niya ako ng ganito. Hindi ko siya niloko. Hindi ako bumalik sa ex ko. Hindi ko lang nasabi agad sa kanya ang tungkol sa pag-uusap namin. Pero hindi ibig sabihin ay niloloko ko siya. Tang-na, mahal na mahal ko si Melanie at alam na alam ninyong lahat 'yan." Sabi ko. Natawa naman siya at itinaas pa ang dalawang paa sa coffee table ko, kaya hinampas ko ang paa niya. "Hindi ako papayag na tinatapos niya ang relasyon namin. Misunderstanding lang ang lahat, at kaya kong ayusin. Kapag nalaman ng mga asungot na umaaligid sa kanya na single na ulit siya... baka magkagulo. Ang akin ay akin, at ang asungot ay asungot lang." Sabi ko, kaya ang lakas ng pagkakatawa ng gago. "Baliw ka na talaga! Bakit ba ako nagkaroon ng best friend na baliw?" Sabbi niya. Hinampas ko siya ng magazine kaya muli siyang natawa. "Alam mo bang itinatak ko na sa isip ko na tatanda kaming dalawa. Kahit mag-away pa kami araw-araw. Alam mo ba na siya ang iniisip ko na kahawak kamay ko habang nakahiga kami sa kama namin... kulubot ang mga balat, nanghihina at naka adult diaper." Biglang bumunghalit ng tawa si Carter, kaya sa sobrang pagkapikon ko ay binato ko siya ng magazine. Halos mamula ang mukha niya sa katatawa niya na wala namang dahilan. Ano ba ang nakakatawa sa sinabi ko? Totoo lang naman ako. "Ayokong magsalita. Sumasakit ang tiyan ko sa'yo." Sabi niya. Hindi ko na lang siya pinansin at naupo ako sa swivel chair ko. Kailangan ko talagang makausap si Melanie, o kaya ay pupuntahan ko na lang ulit si Marcus. At least si Marcus at nauunawaan ako dahil pareho kaming baliw sa pagmamahal. Itinabi ko ang mga gamit ko. Inilagay ko ang mga folder sa loob ng drawer ko at saka ko kinuha ang susi ng sasakyan ko. Nagsimula akong maglakad palabas ng bigla akong pigilan ni Carter. "Saan ka pupunta? May meeting pa tayo." Tinignan ko siya, at saka ako tumingin sa orasan kong pambisig. May oras pa naman kaya bakit siya tila nagmamadali? Baliw talaga ang sira ulong ito. Baka may lakad, baka mambababae na naman. Manyakis pa naman ang isang ito. Basta nakakita ng butas, ang tingin agad niya ay donut. Pasak agad ng batuta niya. Napapailing tuloy ako ng ulo. "Pupuntahan ko si Marcus. Gugulatin ko siya. Kailangan niyang malaman na seryoso ako sa kapatid niya. Alam ko namang boto siya sa akin, hindi lang niya pinapahalata, pero nararamdaman ko 'yon." Muling natawa si Carter at saka ito tumayo. Tinaasan ko siya ng dalawang kilay ko. Saan siya pupunta? Huwag niyang sabihin na sasamahan pa niya ako? Mang-aasar. lang ito sa akin duon at baka sirain pa niya lalo ang diskarte ko. "Sasamahan kita. Alam ko ang tumatakbo diyan sa utak mo. Huwag kang mag-alala, hindi ko sisirain ang diskarte mo. Hindi lang ako papayag na umalis kang mag-isa ng walang kasama." Sagot niya. Walang kasama? Ano ang tawag niya sa mga henchmen ng organisasyon namin na laging nakasunod sa akin kahit na saan ako magpunta? Mga mannequin? Display sa mall? Mukhang nabasa niya ang tumatakbo sa utak ko kaya natawa siya at inakbayan agad ako. Ewan ko ba kung bakit ako nagkaroon ng best friend na katulad ng Carter na ito. "Tara na nga. Mahirap magpaliwanag sa'yo kapag ang utak mo ay puro Melanie na lang." Natawa tuloy ako. Pero hindi ko na siya pinansin pa at lumabas na kami ng opisina ko. Inalis ko ang kamay niya na nakasabit sa balikat ko... at saka muling bumalik ang anyo ng isang mabagsik na pinuno ng White Wolf organization. "Ganyan. Iyan ang Eoghan na kilala ko, hindi natitibag. May dating. Tingin pa lang nakakatakot na. Iyan ang huwag mong aalisin sa sarili mo kahit baliw na baliw ka pa kay Melanie." Sabi niya. Hindi ko na siya pinansin pa at pumasok na kami sa private lift, pero pagkapasok na pagkapasok sa loob ng elevator, biglang tumunog ang phone ko. Pagtingin ko ay si Melanie, kaya muntikan ng mahulog ang phone ko ng sinagot ko 'yon. "Hi babe... sabi ko na nga at hindi mo rin ako matitiis. I love you too na agad." Wika ko agad sa kanya. "Tumigil ka Eoghantot. Tumigil ka na rin ng pagpapadala ng bulaklak dito sa office ko. Hindi ako flower shop bwisit ka. Wala na akong malakaran pa!" Galit na sagot niya sabay naputol na ang kabilang linya. Langya naman oo, bakit ang hirap suyuin ng mga babae? "Pinatayan ka?" Tanong niya sabay tawa ng malakas. "Oo babe... magkita tayo bukas. I miss you too." Sabi ko, kahit wala na akong kausap para kunwari ay may kausap pa ako. Pero mas lalong humahalakhak si Carter kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Bro... wala ka ng kausap kanina pa. Nasa home screen na ang phone mo, kaya ko nga nalamang pinatayan ka ng phone." Sagot niya sabay tawa muli, kaya napatingin ako sa phone ko. Gago talaga ang Carter na ito. "Gago, tumigil ka na ng pang-aasar mo." Napipikon na ako sa kanang kamay kong ito, kapag tuluyan akong napikon... kuryentihin ko ang jingle balls niya para hindi na niya ako laging pinagtatawanan. Namimihasa na ang sira ulong ito. Pasalamat siya at mag best friend kaming dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD