Chapter 5 -Eoghan-

2056 Words
┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ "Aba, kuya... ano ang ginagawa mo dito sa bahay ni lolo? Himala ah, napadalaw ka." Biglang napalingon si Eoghan nang marinig niya ang boses mula sa itaas. Mula sa hagdanan ay dahan-dahang bumababa ang isang lalaki... relaxed lang ang bawat hakbang, nakangisi at tila ba ready na ulit mang-asar. Kilala na agad niya kung sino iyon. Walang iba kung hindi ang kapatid niyang si Lorcan. Ang kapatid niyang hindi naman niya totoong kadugo, pero sa lahat ng aspeto ng buhay nila ay itinuring na bahagi ng pamilya nila mula pa ng mapunta ito sa kanila. Nuong bagong silang pa lamang ito ay ibinigay na sa kanila si Lorcan kaya inampon nila ito at naging isang Fern... kaya itinuring nila itong kadugo. Na kahit walang dugo na nag-uugnay sa kanila, hindi iyon naging sagabal sa kanila upang mahalin ito, dahil para sa kanila... isang Fern si Lorcan. Kapatid pa rin ang turing niya rito... kahit pa minsan ay sakit talaga ito ng ulo nila. Si Lorcan ay isang babaero, mahilig sa gulo, at madalas maging dahilan ng stress ng kanilang mga magulang... iyan si Lorcan. Pero sa kabila ng lahat, mapagmahal ito sa kanilang lahat, kayang itaya ang buhay para sa kanila. Kayang mawala ang lahat ng yaman na ibinigay nila dito, huwag lamang sila ang mawawala sa kanya. Kaya kahit na laging nag-aasaran si Eoghan at si Lorcan... mahal na mahal nila ang isa't isa, at hindi na mababago pa ng kahit na sino ang pagiging Fern ni Lorcan. Bahagyang ngumisi si Eoghan, pero halatang may halong inis ang ekspresyon niya habang nauupo ito sa sofa, saka ito humugot ng malalim na paghinga bago ito nagsalita. "Bakit ka nandito, Lorcan... hindi ba dapat ay nasa office ka ngayon? Huwag mong sabihin na puro pambababae na naman ang ginagawa mo?" Malamig niyang tanong, habang nakasandal na ito sa sofa, at napapikit sandali, as if the day was already testing his patience. Lorcqn chuckled, sliding one hand into his pocket habang tuluyan na itong bumaba ng hagdan at naglakad palapit sa kanya. Naupo ito sa tabi niya at itinaas ang paa sa coffee table. "Mom said I could take the day off." Casual niyang sagot, sabay ngisi nito at inihilig ang ulo sa sandalan ng sofa... tumingala at ipinikit ang kaniyang mga mata. "So I figured I'd visit lolo and lola. Ikaw? What brought you here?" Tanong pa nito. Saglit na natahimik si Eoghan. Ngumisi siya ulit, 'yung tipong hindi mo alam kung amused ba siya o naiinis sa isang bagay na hindi niya maipaliwanag. Marahil ay dahil hindi pa rin siya kinakausap ni Melanie. Bakit nga siya nandito sa mansyon ng kanilang lolo? Para magsumbong? Para sabihin sa lolo nila na hindi pa rin siya kinakausap ni Melanie? Natawa tuloy siya ng mahina, kaya napadilat ang isang mata ni Lorcan at tumingin sa kanya. Sa halip na sumagot sa kapatid niya... napatingin na lamang siya sa kanyang orasang pambisig, his jaw tightening just a little, as if may iniisip siyang mas mabigat kaysa sa simpleng pagbisita lang niya. "Hindi pa rin kayo okay ni Ate Melanie? Kaya mainit na naman ang ulo mo dahil ayaw ka niyang kausapin?" Tanong pa muli ni Lorcan, pilit kinukuha ang sagot na gusto niyang marinig mula sa Kuya Eoghan niya. "Tigilan mo ako Lorcan. Mang-aasar ka na naman. Para kang si Carter, hindi nabubuo ang isang araw ng hindi ako napipikon." Inis niyang sabi, pagkatapos ay humugot siya ng malalim na paghinga at saka muling sinilip ang orasang pambisig niya. Dahan-dahan siyang tumayo, inaayos ang cuff ng suot niyang long sleeves at saka nagsimulang humakbang na parang isang hari, his presence instantly filling the room... natural authority, effortless dominance. "I just came to visit lolo as well." Sagot niya, kalmado lang ang boses niya, habang nagsisimula na siyang maglakad papunta sa hagdanan. Mayaman ang pamilya Fern... bilyonaryo, makapangyarihan, at kilala sa mundong kinatatakutan ng karamihan. Pero hindi lang pera ang mayroon sila... may impluwensya sila, koneksyon na umaabot sa iba't ibang sulok ng mundo, at isang apelyidong sapat na para patahimikin ang kahit sinong magtangkang sumalungat sa kanila. Sa bawat bulong ng pangalang Lord Fenris ay may kasamang pag-iingat... at takot. At si Eoghan... siya ang tagapagmana ng lahat ng iyon. Sa kanya ipinasa ng kanyang lolo ang pamumuno ng The White Wolf organization... isang mafia organization na hindi lang kinikilala, kung hindi iniiwasan ng marami. Isang organisasyong ang bawat galaw ay planado, bawat desisyon ay may kapalit na dugo, at bawat pagkakamali ay may katumbas na kamatayan. Sa mundong iyon, isa lang ang tawag sa kanya... siya ang nag-iisang Lord Fenris. Isang pangalang hindi lang basta titulo, kung hindi isang babala. Siya ang lalaking hindi marunong umatras. Ang lalaking kayang harapin ang kahit na anong laban, kahit gaano pa ito kadugo o kagulo. Walang kinatatakutan. Walang sinasanto. At lalong walang pinapatawad kapag oras na para maningil. Ngunit sa likod ng nakakatakot niyang reputasyon... may isang katotohanang tanging iilan lamang ang nakakaalam. Dahil may isang tao na kayang basagin ang lahat ng pader na itinayo niya sa paligid ng sarili niya. Isang pangalan na kahit siya mismo ay hindi kayang takasan... Iyon ay walang iba kung hindi ang isang Melanie Dux. Ang babaeng kapatid ng isang KIng Venum. Ang babaeng hindi niya kailanman magawang kontrolin sa kanyang mga kamay, pero siyang tunay na may hawak ng puso niya. Ang babaeng kaya siyang patahimikin sa isang tingin lang, at kayang guluhin ang mundong matagal na niyang pinaghaharian. Sa harap ng iba, siya si Lord Fenris... walang kinatatakutan na kahit na sino... pero sa harap ni Melanie ay isa lang siyang lalaking marunong ding matalo. "Pustahan tayo kuya... magsusumbong ka kay Lolo na ayaw kang patawarin ni Ate Melanie." Malakas at puno ng pang-aasar ang boses ni Lorcan kaya biglang napahinto sa paghakbang si Eoghan. Dahan-dahan siyang napalingon, his jaw tightening na halatang pinipigilan ang sarili na hindi patulan ang kanyang kapatid. Kita sa titig niya ang pagkainis... 'yong tipong isang maling salita na lang, sasabog na siya at talagang kakaratehin na niya si Lorcan para tumigil na ito. "Lorcan, hindi na ako natutuwa sa pang-aasar mo. Asikasuhin mo na lang ang mga babae mo at tigilan mo ako." Napipikong niyang sabi. Pero imbes na matahimik ang kapatid niya, lalo lang lumapad ang ngisi nito na tila ba may kung anong kalokohan ang pumapasok sa utak nito. "Uuuy? Galit na galit lang na parang gustong manakit? Mukhang tama nga ako, ah... mukhang..." Hindi na pinatapos ni Eoghan ang sasabihin nito. Sa isang iglap ay agad na kumilos ang mga paa niya at dire-diretsong sumugod palapit sa kapatid. Pero bago pa man makalapit si Eoghan ay mabilis na itong umatras at kumaripas ng takbo palabas ng malaking mansyon, malakas ang tawa habang papalayo... parang batang nang-aasar lang, walang kahit anong takot sa kapatid niyang kilala sa pangalang Lord Fenris at matapang na mafia lord. "Lintik ka, kapag inabutan kita... ababalatan kita ng buhay." Pikon na pikon niyang sabi. Tawa lang ng tawa si Lorcan, saglit pa itong huminto at nilingon ang kuya niya na tumigil sa paghabol sa kanya, at saka niya inilabas ang dila niya upang asarin itong muli. Kaya muling sumiklab ang init ni Eoghan at saka tumakbo, kaya muling kumaripas ng takbo si Lorcan. "Catch me if you can, Kuya Eoghan!" Sigaw pa ni Lorcan, halatang enjoy na enjoy sa pang-aasar sa kapatid, para bang wala siyang pakialam kung sino ang kaharap niya... kahit na alam niya na isa itong mafia king. Napailing na lamang si Eoghan at tumigil sa pagtakbo, dahan-dahang ipinikit ang mga mata saglit na tila kinokontrol ang sarili na huwag mainis sa kanyang kapatid na walang ginawa kung hindi ang asarin lang siya palagi sa tuwing magkikita sila. Huminga siya nang malalim, saka muling iminulat ang mga mata... malamig, at may bahid ng pagkainis. Kilala niya ang kapatid niya. Alam niya kung bakit siya nito inaasar. Gusto lang nitong mang-trigger. Gusto lang ng kapatid niya na habulin niya ito. Mahilig sa racing car ang kapatid niya. Nuon ay lagi silang nagkakarerahan kapag inaasar siya ni Lorcan, pero nuon 'yon... nuong wala pa sa balikat niya ang pagiging isang pinuno ng White Wolf organization. Pero hindi niya maiwasan ang hindi mapangiti habang nakatingin sa papalabas niyang kapatid. kahit na napipikon siya kung minsan kay Lorcan... naaaliw pa rin siya dito. Dahil sa kabila ng lahat... si Lorcan pa rin ang iisang tao na kayang kausapin siya ng ganito, na parang hindi siya ang kinatatakutang lider ng White Wolf. "Woah... watch it! Nang-aasar ka na naman sa kuya mo." Sabi ni Carter ng napaatras siya dahil nabangga siya ni Lorcan. "Sorry, man!" Mabilis na sigaw ni Lorcan, pero ni hindi man lang siya huminto o lumingon para siguraduhing ayos lang ang nabangga niya. Pero sanay na naman si Carter, alam niyang maloko ang kapatid na 'yon ni Eoghan. Napapailing na lamang tuloy si Carter habang sinusundan ng tingin ang papalayong kapatid ng kaniyang best friend. "Anong trip ng taong 'yon? Nang-asar na naman ba o gusto lang niyang habulin mo siya para magkarerahan na naman kayo?" Sabi niya, habang nakatingin kay Lorcan na papalapit na sa mamahaling sports car nito. Napatingin si Carter kay Eoghan na paparating, then ibinalik ang tingin kay Lorcan na nakatayo na sa gilid ng sasakyan nito. Nakangisi at ipinapakita sa kuya niya at kay Carter ang bago nitong sports car. Kaya natawa si Eoghan, dahil tama siya ng hinala na gusto nga nitong makipag-karerahan upang ma-testing nito ang bagong sasakyan. "Inasar mo na naman ang kuya mo." Napapailing na sabi ni Carter, ngunit tumawa lang si Lorcan. Agad itong sumakay sa kanyang sasakyan, mabilis na isinara ang pinto, at saka binuhay ang makina ng mamahalin niyang sports car. Umalingawngaw ang magandang tunog ng makina sa buong estate kaya napatitig si Eoghan sa kapatid habang umiiling. "Hindi kita hahabulin, kung iyan ang iniisip mo. Marami pa akong trabaho na kailangang tapusin at wala akong panahon sa mga kalokohan mo. Duon ka sa mga kaibigan mong mangulit at huwag sa akin. Sila ang ayain mong makipag karerahan sa'yo." Wika ni Eoghan, kaya sumibangot ang mukha ng kapatid niya, pero saglit lang 'yon at nagkibit balikat lamang ito at muling pinaingay ang makina ng kaniyang sasakyan. "Fine." Malakas niyang sabi. "See you later alligator!" Pahabol pa niyang sigaw bago tinapakan ang silinyador. At sa loob ng ilang segundo... mabilis na humarurot ang sasakyan, tinatahak ang mahabang daan sa loob ng malawak na estate ng kanilang lolo, habang unti-unting nawawala sa paningin nila. "Immature." Inis na bulong ni Eoghan, pero may bahagyang ngiti na pilit niyang tinatago. Natatawa naman si Carter at tinapik sa balikat ang kaniyang kaibigan na napipikon sa kapatid nito. "Bakit mo ba ako pinapunta dito?" Tanong niya. Humugot ng malalim na paghinga si Eoghan at nagsimulang maglakad pabalik sa loob ng malaking living room. "Natapos na ba ang ipinag-utos ko kay Mellard?" ​"Yeah... nasa akin na ang report ng pag-iispiya niya sa mga taong 'yon. Kailangan mo na ba?" Sagot niya. Umiling siya, pero napangiti. "No. Bukas ko na lang aasikasuhin 'yan. Samahan mo na lang ako na puntahan si Melanie sa office niya. Wala ka naman sigurong gagawin ngayon, hindi ba?" Natawa si Carter, napakamot sa noo nito at napapailing ng kaniyang ulo. Hindi talaga tumitigil ang kaniyang pinuno sa panunuyo kay Melanie. Lahat ay ginagawa nito, kausapin lang siya nito. "Mangungulit ka na naman sa kapatid ni Marcus." "Oo, at hindi ko siya titigilan hangga't hindi niya ako kinakausap." Sagot ni Eoghan, kaya natawa na si Carter. "Nandito sa Pilipinas si Jacky, kasama si Eugyn. Kararating lang niya kagabi, hindi pa ba tumatawag sa'yo?" "Tang-na... magagalit na naman ang mahal ko nito. Bakit ba kasi ayaw na lang niyang tanggapin ang sustento na pwede kong ibigay sa bata? Ano pa ba ang kailangan niya?" Inis niyang sabi, kaya natawa na si Carter. "Hindi ba obvious? Ikaw ang kailangan niya kaya ayaw niyang tumigil. Hindi pera ang kailangan ni Jacky dahil mayroon din siya niyan, ang kailangan niya ay ikaw, kaya nga niya kinausap si Melanie, dahil alam niya na aatras si Melanie sa kasal, kapag nalaman niya na nag-uusap kayo sa phone ng palihim." Sabi ni Carter, kaya inis na inis na sinabunutan ni Eoghan ang sariling buhok. Humahagalpak naman ng tawa si Carter.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD