Chapter 6 -Melanie-

1704 Words
❀⊱Melanie's POV⊰❀ Ilang sunod-sunod na katok sa pintuan ng office ko ang nagpahinto sa tahimik kong pagtatrabaho. Nakayuko lang ako sa mga dokumentong nakalatag sa ibabaw ng desk ko... contracts, reports, lahat nakaayos pero parang hindi ko matapos-tapos kahit kaninang umaga ko pa ito binabasa, kaya hindi ko agad inangat ang tingin ko. Masakit na ang ulo ko sa dami ng trabahong iniisip ko, ayoko ng madagdagan pa ang problema ko. Dahan-dahang bumukas ang pinto, at sumilip ang sekretarya ko, nakangiti ng mag-angat ako ng mukha, pero muli kong ibinalik ang atensyon ko sa mga dokumentong nakalatag sa desk ko. "Sabi ko sa'yo, ayokong maistorbo." Narinig ko ang pagtikhim niya, at ramdam ko ang pag-aalinlangan niya kung magsasalita ba siya. "Uhm... Ma'am, Mr. Eoghan Fern is here. He wants to speak with you." Atubili niyang sabi, ramdam ko 'yon. Napahinto ang kamay ko sa pag-flip ng pahina. Slowly... tinaas ko ang tingin ko, kasabay din ng pagtaas ng isang kilay ko. Of course... siya na naman. Parang wala na yatang ibang ginagawa ang lalaking 'yon kung hindi guluhin ang katahimikan ko. A soft, almost sarcastic smirk tugged at my lips, then rolled my eyes. Bakit ba kasi nandito na naman ang makulit na 'yon? Akala yata niya na kapag paulit-ulit siyang nagpapakita sa akin, na kapag hindi siya tumigil sa pangungulit sa akin... babalikan ko siya. Na parang ganuon lang kadali ibalik ang tiwalang nawala. Na parang isang sorry lang, isang pagharap lang sa akin, magiging okay na ulit kami. Huh. Hindi ganuon kadali 'yon. Hindi ako ganuon kadaling paikutin. Kilala naman niya ako mula pa simula, hindi talaga ako madaling mauto, at hindi ako madaling magpatawad. Hindi ako isang ordinaryong babae na uupo lang sa isang sulok, makikinig sa pang-uuto niya at kalilimutan na apat na buwan siyang nagsinungaling sa akin. Baka nakakalimutan niya kung ano ang kasalanan niya sa akin. Apat na buwan 'yon. Apat na buwan siyang naglihim sa akin... at wala akong kaalam-alam na sa loob ng apat na buwan na 'yon ay masaya silang nag-uusap sa phone, nagkikita at may anak pa silang dalawa na hindi rin niya sinabi sa akin. And now, he has the audacity to show up like nothing happened? Like we can just pick up where we left off? Geez! Huminga ako ng malalim, pilit kong kinokontrol ang inis na unti-unting nabubuhay sa kaloob-looban ng bawat himaymay ng aking laman. Kung naging honest lang sana siya sa akin, baka... baka naintindihan ko pa. Hindi naman ako 'yung tipo na agad magwawala, magagalit, at mag eeskandalo, lalo na kung mahal ko talaga siya. Natural uunawain ko siya, lalo pa at naglakas loob siyang sabihin sa akin ang totoo. Pero hindi eh. Mas pinili niyang itago ang lahat sa akin at inilihim niya sa akin ang lahat. At ang pinaka-malala? 'Yung mismong babae na 'yon ang nagpamukha sa akin sa lahat ng itinago sa akin ni Eoghan. Hay naku! Bahala talaga siya sa buhay niya. Magpakasal silang dalawa kung gusto nila. Hindi ako kasali sa eksena na 'yon. Siya naman ang dahilan kung bakit nawala ang tiwala ko sa kanya. Sinabi ko na sa kanya nuon... maging honest lang siya sa akin, wala kaming magiging problema. Kaso hindi... naglihim pa rin siya sa akin. "Ma'am?" Napakurap ako, tila ba bigla akong natauhan sa malalim kong pag-iisip. Hindi ko namalayan na nandito pa pala ang sekretarya ko, nakatayo pa pala sa harapan ko ng hindi ko man lamang namamalayan, naghihintay ng sagot ko habang ako... nalunod na pala sa sarili kong iniisip. Magsasalita na sana ako... pero bago pa man bumuka ang bibig ko... biglang bumukas ang pinto ng office ko. And there he was. Parang eksenang paulit-ulit na lang... nakakairita na, nakakadrain na. Akala yata niya ay patatawarin ko siya. Napatingin pa ako sa dala niya. May hawak na naman siyang bouquet, parang akala niya flowers could fix what he broke. "Babe... kausapin mo na ako. Kahit dalawang minuto lang, please baby... may dahilan nga kasi ako." Pagsusumamo niya. Hindi naman ako nagsasalita, at napatingin lang ako sa kasama niya na kanang kamay niya. Then... I let out a short, humorless laugh, shaking my head as I started gathering the scattered documents on my desk. One by one, para maramdaman niya na hindi ko siya nakikita kahit na nasa harapan ko lang sila. Na wala akong pakialam sa mga sinasabi niya. Reason? Ano ang reason niya? Na pwedeng natakot siya na baka kapag nalaman ko ay magagalit ako? So, hindi siya natakot na naglihim siya sa akin, na pwedeng mas maging dahilan ng galit ko? Okay lang sana kung isang linggo lang ang pagsisinungaling niya sa akin, pero months 'yon. My God! "Babe naman. Kausapin mo na ako. May dala akong bulaklak para sa'yo." Sabi pa niya. Nakatayo lang siya sa harapan ng desk ko. "You really think showing up here with flowers will fix everything?" Mahinahon kong sabi, pero may talim ang bawat salitang binibitawan ko. "Please babe, pata..." I cut him off. "Busy ako. I have a meeting. And unlike you, I don't waste my time playing games... and I don't lie to the people I care about... especially someone I love." Saglit akong huminto sa pagsasalita, saka siya tinapunan ng isang tingin... 'yung tipong sapat na para ipaalala sa kanya kung gaano kalaki ang tiwalang nasira niya. "If you have explanations, save it for Jacky. She seems more... involved in your life than I ever was." Inis ko pang sabi, pagkatapos ay tumayo na ako. Kinuha ko ang mga dokumentong kanina lang ay binabasa ko, upang pumunta na ako sa conference room. Marami ng naghihintay sa akin na ka-meeting ko. "Babe naman. Alam ko naman na nagsinungaling ako sa'yo pero sana naman ay pakinggan mo ako. Mahal na mahal kita, at alam na alam mo 'yan." Sabi niya. Pero hindi ko na siya pinansin pa. Naglakad ako palabas ng office ko habang nakasunod lang siya sa likuran ko. Hindi ko siya nililingon. Malaki ang atraso niya sa akin. Hindi 'yon simple lang na dapat kalimutan. Dapat naisip niya 'yon bago niya piniling magsinungaling sa akin sa loob ng apat na buwan. Mukha akong tanga ng pinuntahan ako ng babaeng 'yon at ipamukha sa akin na may anak sila, na sa loob ng apat na buwan ay nag-uusap sila at nagkikita. Ano ako ngayon? Tapos sasabihin niya na may reason siya? Whatever his reason is, it doesn't matter. He lied to me... and that won't change. Pagkapasok ko sa loob ng conference room... nagulat ako ng makita ko na nakasunod lang din siya sa loob. Nagulat pa ang mga ka-meeting ko at napatingin sa ex ko. "Ano ang ginagawa mo dito?" Tanong ko. Inabot niya sa akin ang bouquet na kanina ko pa ayaw tanggapin. Bakit ba kasi ang kulit-kulit ng lalaking ito? Kasalanan naman niya ang lahat kung bakit nawalan ako ng tiwala sa kanya, at ang sinasabi niyang reason, hindi 'yin valid, dahil bali-baligtarin man ang mundo, apat na buwan siyang naglihim sa akin. Sa loob ng apat na buwan na 'yon ay hindi siya nakakuha ng lakas. ng loob para sabihin sa akin ang tungkol kay Jacky? Paano kung hindi sinabi sa akin ng babaeng 'yon na nag-uusap sila sa phone at nagkikita? Mas tatagal pa ang pagsisinungaling niya sa akin? Sabi niya mahal niya ako, so ganuon ang klase ng pagmamahal niya? Nagsisinungaling siya sa akin? Jusko. Lahat na yata ng sikreto ko sa buhay, sinabi ko na sa kanya. Lahat na yata ng nangyayari sa akin at sa buhay ko... kinukuwento ko sa kanya. Tapos siya... inilihim niya sa akin ang babaeng minsan sa buhay niya ay inalayan niya ng singsing? Ano naman ang dapat kong maramdaman? Oo, ako ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang kasal nilang 'yon, pero ako din ang sumagip sa kanya dahil may ibang mahal ang nobya niyang 'yon at hindi siya. Na lihim na nagkikita si Jacky nuon at ang lalaking 'yon. Tapos ngayon... malalaman ko nag-uusap sila ng palihim sa loob ng apat na buwan, at may anak pa sila. Ano 'yon? Kapag pupunta sila ng mall o kakain sa labas ay mukha silang isang masayang pamilya, habang ako ay nagpapakahirap sa lahat ng trabahong nakaatang sa akin, at umaasa na tapat siya sa akin, at wala siyang ginagawang kahit na ano behind my back? Aray ko naman. Masakit 'yon sa akin, at kahit na ano pa ang paliwanag niya sa ngayon ay hindi ko talaga maiintindihan. I love him so much to the point na tinanggap ko ang kasal na alok niya sa akin, tapos... napailing na lang ako. Tinitigan ko siya at pumatak ang luha ko. Agad niya akong nilapitan, pero umiling ako. Pinahid ko ang luha ko at mapait akong ngumiti sa kanya. "Not yet, Eoghan. Not today, not tomorrow... I don't know when I will be ready to let you explain. I really don't know." Wika ko. Ngumiti ako sa kanya. Nakikita ko ang matinding kalungkutan sa mga mata niya, pero alam ko rin na alam na alam niya na mahal na mahal ko pa rin siya. Kaso... masyado pa akong nasasaktan ngayon. "Hindi ako titigil babe. Mahal na mahal kita, at ikaw lang ang kinababaliwan ng puso ko. Ikaw lang babe." Sabi niya sa harapan ng mga ka-meeting ko. Pagkatapos ay isang halik ang dumampi sa pisngi ko na hindi ko naiwasan, saka niya ipinatong ang bulaklak sa ibabaw ng long table. "Hahayaan ko muna kayo na tapusin ang kailangan ninyong tapusin dito. Pero tandaan mo mahal ko, hinding-hindi ako titigil hangga't hindi ko nasasabi sa'yo kung gaano kita kamahal. At kung bakit ako naglihim sa'yo. I love you baby at akin ka lang. Akin ka lang mahal ko." Sabi niya, at saka siya tumalikod at lumabas na ng conference room. Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ko at saka tumulo ang luha ko. Agad ko 'yong pinunasan, at pagharap ko sa mga ka-meeting ko... nakangiti na akong muli. Ramdam ko ang alinlangan nila kung gaganti ba sila ng ngiti sa akin o magkukunwari na lang sila na wala silang narinig. Napatingin ako sa bulaklak na nasa ibabaw ng table, pero hindi ko na lang 'yon pinansin at naupo na ako sa upuang nakalaan sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD