┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈
"Mainit na naman ang ulo mo."
Hindi pinansin ni Eoghan ang kaniyang assassin na si Mellard Hendrickson. Nakatayo lang ito malapit sa bintana, arms crossed, watching him like he was observing a ticking bomb na anytime ay pwedeng sumabog. Katabi naman ni Mellard sa sofa ang kanang kamay ni Eoghan na si Carter, na relax lang na nakasandal sa sofa at kumakagat ng mansanas na parang nanonood lang ng drama sa TV. Kita sa mukha nito na naaaliw siya sa inis na nararamdaman ni Eoghan, at natatawa rin ito sa sitwasyon nito lalo pa at halos araw-araw na niyang sinusuyo ang kapatid ni Marcus, pero hindi niya ito mapa-amo.
"Ayaw akong patawarin ni Melanie. Ayaw akong kausapin. Ayaw niya akong pakinggan." May inis na sabi ni Eoghan, ramdam nila ang frustration sa boses nito, habang inis na kumakamot sa kaniyang kilay. Pagkatapos ay napahawak pa siya sa buhok niya, at bahagyang sinabunutan ang sarili.
"Ginagawa ko na nga ang lahat para maipaliwanag kung bakit hindi ko sinabi sa kanya ang tungkol kay Jacky... but she won't even look at me na para bang pinagtaksilan ko siya. Alam na alam naman niya kung gaano ko siya kamahal, hindi ba? So, bakit hindi niya ako magawang tignan? Iwas siya ng iwas sa akin, samantalang aminado naman ako na nagkasala ako sa kanya. Hindi ba pwedeng pakinggan lang niya ako para malaman niya kung bakit ako naglihim" Wika niya. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya, at saka siya napapailing ng kaniyang ulo.
Nagkatinginan naman sina Mellard at Carter, at pareho silang napatawa ng mahina, pero sapat para lalong mainis si Eoghan sa kanila.
"Seriously? Nagagawa pa talaga ninyo akong pagtawanan?" Inis na sabi niya, sabay tingin ng matalim sa kanila. Inis na inis.
Sa sobrang frustration, sinipa niya nang bahagya ang coffee table. Hindi malakas, pero sapat para gumalaw ito ng kaunti at magbiga ng inga sa sahig.
"Damn it!" Inis na inis na mura niya.
"Dude, relax lang." Natatawang sabi ni Carter, sabay kagat ulit sa mansanas niya.
"What did you expect? Pinagkakatiwalaan ka ni Melanie. Tapos apat na buwan kang naglihim sa kanya? I told you before na sabihin mo na agad sa kanya bago pa niya malaman sa iba. Kung sinabi mo na agad sa kanya nuon ang problema mong 'yan, baka hindi kayo humantong sa hiwalayan." Sabi ni Carter. Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Eoghan at napapailing ng kaniyang ulo. Hindi siya makapagsalita dahil alam niya na may point si Carter. Alam niya kung ano ang pagkakamaling nagawa niya. Alam niya na may sapat na dahilan si Melanie pang iurong ang nakatakda na sana nilang kasal.
"Tignan mo ngayon... nalaman niya... and worse, hindi pa galing sa'yo. Si Jacky pa mismo ang nagsabi sa kasintahan mo. Kahit na wala kayong relasyon ni Jacky, bro... mali pa rin na hindi mo sinabi sa kanya ang totoo. It wasn't abput cheating, at alam naman namin na hindi ka naman nagtaksil. It's about honesty, at duon ka nagkulang sa kanya kaya nawalan siya ng tiwala sa'yo." Sabi pa ni Carter.
"You broke her trust. Simple as that." Pakli naman ni Mellard. Napahawak si Eoghan sa sandalan ng sofa at saka napatingala. Pagkatapos ay napabuntong hininga siyang muli, isang mahaba, mabigat, na parang may hinuhugot sa kaibuturan ng puso niya. Saka siya inis na naupo sa pang-isahang sofa na nakatapat sa kanila, itinukod niya ang dalawang siko sa mga hita niya, at pinagsalikop niya ang kaniyang mga palad.
"I was trying to protect her... ayokong masaktan siya kapag nalaman niya na may anak kami ni Jacky. Iyon lang naman 'yon, at oo. Mali na hindi ko agad sinabi sa kanya... kasi nga takot akong mawala siya sa buhay ko. Parang hindi naman ninyo kilala ang mga Dux, lalong-lalo na si Marcus. Baka itago niya ang mahal ko kapag nalaman na may anak ako. Natakot lang ako na mawala siya sa buhay ko. Hindi ako naglihim para balikan si Jacky. Hinding-hindi mangyayari 'yon dahil ang puso ko ay kay Melanie lang nababaliw." Mahina niyang sabi na halos pabulong na lang.
"Yeah. Naiintindihan namin ag reason mo, pero dapat mas pinili mong sabihin sa kanya kaysa sa natakot ka. Look how that turned out." Sagot ni Mellard.
"Bro... girls don't want protection like that. They want the truth. Kahit masakit, at least galing sa'yo. Saka alam naman natin na mahal na mahal ka ni Melanie, at matatanggap niya 'yon. Siya na rin ang nagsabi sa'yo nuon na kahit na sino ka pa, mamahalin ka lang niya ng buong puso, hindi ba?" Sabi naman ni Cater.
Napapikit si Eoghan, saka hinagod ang mukha niya. Gusto niyang magalit dahil pakiramdam niya ay sinisisi pa siya ng dalawa, pero alam din naman niya na dapat lang talaga siyang sisihin dahil ang laki ng pagkakamali niya.
Tahimik na rin si Mellard at si Carter. Nakatitig lamang sila kay Eoghan na nakapikit, nakasandig ang ulo sa sandalan ng sofa na tila ba kay lalim ng iniisip nito. Mula ng umatras si Melanie sa kasal... hindi na siya makapag-isip ng maayos. Lagi na lamang magulo ang isipan niya, at kung minsan... naiisip niyang kidnapin na lang ang fiancée niya para hindi na ito mawala pa sa kanya. Pero alam din niya na palaban si Melanie, at baka nga gulpihin pa siya nito kapag ginawa niya 'yon.
Umayos siya ng pagkakaupo. Muling humugot ng malalim na paghinga at saka tumayo, pagkatapos ay naglakad patungo sa glass wall at tumingin sa malayo at pinagmasdan ang magandang tanawin sa BGC. Ipinamulsa niya ang dalawang kamay sa pantalon, at napatitig lang siya sa kawalan, lost in his own thoughts. For someone they all feared as Lord Fenris... ngayong sandali, he didn't look like a leader of a feared organization. Mukha lang siyang lalaking iniwan ng kaniyang nobya dahil sa katangahan niya.
"Pagtyagaan mo na lang. Pasasaan ba at bibigay din 'yan sa'yo. Alam naman nating laha kung gaano ka niya kamahal, at alam natin na pinaparusahan ka lang niya dahil sa pagsisinungaling mo sa kanya, pero patatawarin ka rin niya. Mahal ka ni Melanie, at hindi niya hahayaan na matapos lang kayo ng ganuon. Binibigyan ka lang niya ng leksyon." Sabi ni Carter. Tumango lang si Eoghan, pagkatapos a napatingin siya sa kanyang orasang pambisig at saka siya lumapit sa kaniyang desk. Pupuntahan niyang muli si Melanie upang subukang kausapin ito. Pero... hindi pa sila nakakalabas ng kaniyang opisina ng biglang bumukas ang pinto, at nagulat pa siya ng makita ang kaniyang secretary na pinipigilan si Jacky na makapasok sa loob.
"Sir, sorry ho. Ayaw ho kasi niyang papigil. Sabi ko ho ay ipapaalam ko muna ho sa inyo, pero ayaw ho niyang papigil."
Nagsalubong ang kilay ni Eoghan at masamang tinitigan si Jacky. Pero nagulat siya dahil tila ba kay lalim ng mga mata nito, kaya nawala ang salubong niyang kilay at napalitan ng concern sa babaeng minsan ay naging parte ng kaniyang buhay, pero wala na ang pagmamahal niya para dito, at kung mayroon mang natitirang damdamin, bilang respeto na lamang dahil ina ito ng kaniyang unang anak.
"Are you okay?" Tanong niya.
"Yes, and I'm ready. Kumuha ka na ng kahit na sinong doktor na gusto mo. Kung gusto mo ay may magbabantay pa sa doktor para makasigurado ka na anak mo nga si Eugyn. Hindi ako nagsisinungaling sa'yo na anak mo talaga si Eugyn. Itinago ko lang siya sa'yo at pinalabas na ang dati kong nobyo ang ama upang hindi ka na maghabol pa sa akin. That time, naging pagkakataon ko ang ginawa ni Melanie na pinigil niya ang kasal natin dahil may ibang laman ag puso ko. Ikinatuwa ko 'yon. Kasi, iyon ang naging susi upang makalayo ako sa'yo." Sabi niya. Tahimik naman si Eoghan, at ang sekretarya niya ay mabilis na lumabas ng opisina.
"Naaalala mo ba na minsang nalasing tayo ay may nangyari sa atin? Alam ko na nagising ka ng umaga na 'yon na hindi mo alam kung sino ang babaeng nakasiping mo. Ako 'yon, at hindi ko rin 'yon ginusto. Pareho lang tayong nakainom ng alak nang gabing 'yon. Sabi ko sa'yo, ibibigay ko lang sa'yo ang katawan ko kapag naikasal na tayo. Pero... dalawang buwan bago ang kasal natin ay may nangyari sa atin. Nagising ka na wala kang katabi, pero alam mo sa sarili mo na may nakasiping ka, at ni minsan ay hindi mo 'yon binanggit sa akin. Ako ang babaeng 'yon, Eoghan. Umalis lang ako upang hindi mo malaman na ako ang babaeng 'yon. Hindi kita mahal nuon Eoghan. Pero nabuntis ako at ipinaako ko 'yon sa lalaking sinamahan ko dahil ayokong malaman mo at baka ipilit mo lang na ituloy ang kasal. Nakawala na ako sa'yo, kaya sapat na 'yon upang makaalis ako na walang bumubuntot sa akin. Kung hindi lang sa mga magulang ko... hindi magkakaroon ng kasal ng araw na 'yon. At si Melanie... siya ang nagbigay ng kalayaan nuon sa akin. Kaya go ahead... magpa DNA kayo ng anak mo upang mapatunayan ko sa'yo na ikaw ang ama ni Eugyn." Mahabang paliwanag ni Jacky.
"Daddy, bakit po umiiyak ang mommy ko?" Boses ni Eugyn ng pumapasok ito sa pinto. Nagulat naman si Eoghan at agad na nilapitan ang anak nila ni Jacky. Apat na taong mahigit na ito, at habang lumalaki, hind maipagkakaila na kamukha niya ang bata.
"Hey kiddo. Hindi umiiyak ang mommy mo. Napuwing lang siya kaya may luha sa mga mata niya." Wika niya, at saka siya nag-squat ng upo upang mapantayan ang kaniyang anak.
"I miss you, daddy." Sabi ni Eugyn, at saka niya niyakap ang kaniyang ama. Hindi naman mawala ang ngiti ni Eoghan ng maramdaman niya ang maliit na braso ng kaniyang anak na yumakap sa kaniyang leeg. Tahimik naman si Carter at si Mellard, dahil lihim na silang kumuha ng DNA sample sa bata, at napatunayan na ni Eoghan na anak nga niya si Eugyn.
"I believe you. Mukhang may sakit ka. Maupo ka muna sa sofa at ng makapagpahinga ka." Mahinang sabi ni Eoghan, at inalalayan pa niya si Jacky na makaupo sa sofa.
"Daddy, I'm hungry. Gusto ko pong kumain. Can we stay here?" Sabi ni Eugyn. Kaya isang malaking ngiti ang gumuhit sa labi ni Eoghan at saka niya binuhat ang anak at tumango.
"Okay. Kahit na ano... para sa aking anak ay ibibigay ko." Sabi niya, kaya naman tuwang-tuwa si Eugyn. Panay naman ang tingin ni Eoghan sa digital wall clock dahil may lakad sana siya, pero hindi niya mahindian ang sariling anak. Gustong-gusto na niyang puntahan si Melanie, pero naiipit siya sa pagitan ng dalawa. Hindi na tuloy niya malaman kung ano ang gagawin niya.
"Mellard, utusan mo ang sekretarya ko na bumili ng maraming pagkain sa restaurant dahil nagugutom ang anak ko." Utos niya, kaya tumango naman si Mellard at agad na lumabas ng opisina upang mag-utos. Hindi naman mawala ang ngiti ni Jacky habang pinagmamasdan niya ang mag ama.