Chapter 8 -Nasasaktang puso-

2048 Words
❀⊱Melanie's POV⊰❀ Kauuwi ko lang sa estate ng aking ama. Dito ako naninirahan kasama si Isagani. The place still carried that quiet kind of power, 'yung tipong hindi mo kailangang ipagsigawan kung gaano kalaki ang impluwensya ng pamilya namin. Marinig pa lang ng ibang tao ang dala kong pangalan na Dux... lahat iba na agad ang tingin nila sa akin. Pati ang ngiti nila sa akin ay ibang-iba. Pero ngayon... karamihan na yata ng tao, kahit simpleng mamamayan ay kilala na ako. Madalas kasi nilang makita ang mukha namin sa magazine, lalong-lalo na sa mga naglalakihang billboard sa bawat sulok ng Pilipinas. Pagpasok ko sa loob ng bahay ay inabutan ko si Isagani na kausap si Dad sa sala. Mukhang seryoso ang usapan nila kanina, pero nang mapatingin sila sa akin... sabay silang napangiti. Parang biglang nawala ang katahimikan na kanina lang ay sumalubong sa akin. "Ate!" Biglang tumayo si Isagani mula sa pagkakaupo niya sa sofa, at agad siyang lumapit at niyakap ako. Mahigpit, warm, and genuine. Napangiti na lang din ako habang ginagantihan ang yakap ng bunso kong kapatid. Mabait ang kapatid kong ito... sobra. At halata naman kung gaano siya kamahal ni Dad at ni Kuya Marcus. Sa totoo lang, minsan obvious na mas gentle sila sa kanya, mas maalaga... pero wala akong nararamdamang kahit anong inggit. If anything, I understand why. Mas malala ang pinagdaanan niya kaysa sa akin. At kahit kahit na hindi sila lolo at dad ang nagpalaki sa kanya... he still grew up kind. Lagi pa siyang nakangiti at sobrang mapagmahal. Mabuti na lamang at ang mga Stewart ang kumupkop sa kanya dahil naturuan siya ng kabutihang asal. Hindi ko katulad, sobrang pasaway ako magpahanggang ngayon. I don't know... hindi ko na yata talaga mababago pa ang kasungitan ko, ang pagsusuplada ko at ang mga kalokohan na lagi kong ginagawa. Kaya siguro ganuon na lang din ang pagmamahal ko sa kanya... protective, pero hindi suffocating. Gusto ko lang siyang makita na laging okay. "Ate, bakit hindi mo sinabi na pauwi ka na dito?" Tanong niya. Naupo naman ako sa sofa at humalik ako sa aking ama. "Sana ipinagluto kita ng ginataang sitaw na maraming kalabasa. Hindi ba sabi mo sa akin na ngayong dito ko na ipagpapatuloy ang pag-aaral ko sa Pilipinas... dapat lagi kang may ginataang sitaw, hindi ba?" Sabi pa niya. Napatawa tuloy kami ni Dad sa kanya. Pero to be fair... sobrang sarap talaga niyang magluto. Nang minsan kong matikman 'yung luto niya, parang ayoko nang tumigil. As in, paulit-ulit akong nagre-request, kahit nahihiya na ako minsan dahil nga nag-aaral siya tapos iniistorbo ko lang. May sariling twist siya sa mga simpleng putahe niya, hindi fancy, pero napakasarap naman talaga. "Sumakit kasi ang ulo ko kanina, kaya instead na ipagpatuloy ko ang trabaho, umuwi na lang ako." Sagot ko habang dahan-dahang hinihimas ang sentido ko. "Wala ka bang pasok ngayon? Hindi ba dapat nasa school ka sa mga oras na ito?" Dagdag ko pang sabi, napatingin pa ako sa orasang pambisig ko. "Wala akong pasok ngayon ate. Bukas may pasok ako, pero today off ako kaya maghapon lang ako ngayon dito." Sagot niya, saka siya ngumiti nang malaki. "Alam mo ba ate, sabi ng teacher ko, ang galing ko daw. Matalino daw ako. Nuong dumating ka nga ay ipinagmamalaki ko 'yan kay Dad. Tuwang-tuwa ako sa sinabi sa akin ng prof ko kahapon." Sabi pa niya. Namimilog ang mga mata sa labis na katuwaan. Napangiti ako sa kanya... soft and proud, at pagkatapos ay ginulo ko ang buhok niya. "Okay ka lang ba anak? Bakit sumakit ang ulo mo? May sakit ka ba? May nararamdaman ka ba na hindi maganda sa katawan mo?" Seryosong tanong ni Dad. Pero bago pa man ako makapagsalita upang sagutin ang tanong ng aking ama... biglang bumukas ang malaking pintuan ng mansyon kaya sabay-sabay kaming napatingin. "Pinuntahan na naman ako ni Eoghan." Bungad agad ni Kuya Marcus habang mayabang na naglalakad papalapit sa amin. "Bakit mo ba sinusupladahan ang nobyo mo?" Tanong pa niya, kaya napakunot ang noo ko. Tumikwas pa ang isang kilay ko habang nakatingin sa kanya. Talaga ba? Mas kinakampihan ba talaga niya ang Eoghan na 'yon kaysa sa akin na kapatid niya? Nakakaloka ha! "Ex, kuya... ex na, at huwag mo 'yang kalilimutan. Gusto mo ba igawa pa kita ng alarm sa phone mo para laging tutunog at ipapaalala sa'yo na ex ko na lang si Eoghan. Tapos na kami, tinapos ko na ang namamagitan sa aming dalawa." Inis kong sabi, crossing my arms habang pinipigilan ang sarili kong mainis. Talagang sumbungero ang lalaking 'yon. Parang hindi isang pinuno ng mafia. Nakakaloka siya ha. Pero pinagtawanan lang niya ako, that annoying, knowing laugh, habang papalapit sa amin. Kasunod niya si Ozias, tahimik lang pero halatang aliw na aliw din sa pagtawa ni kuya. Pati si Dad at si Isagani, aba at nakikitawa na rin sila. May kakampi pa ba ako sa bahay na ito? "Ano kuya... pinuntahan ka na naman ba ng lalaking 'yon? Ang pagkakaalam ko, nandito na sa Pilipinas ang babaeng 'yon kasama ang anak nila. Kunwari pa siyang nanunuyo, pero kung makakapit naman duon sa babaeng 'yon... aba at akala mo ay isang tuko." Naiinis kong sabi. Talagang naiinis na naman ako ngayon dahil nalaman ko na nandito si Jacky, at higit sa lahat... alam ko na nagpunta siya sa opisina ni Eoghan. May mga mata ako sa building niya. Impakto talaga ang lalaking 'yon. Bwisit, nakakainis. Tapos ay nagpa-order pa ng pagkain. Napairap ako, sabay iwas ng tingin kay kuya. Ramdam ko pa 'yung konting kirot na ayaw ko namang aminin sa sarili ko at kahit na kanino. Gusto ko ay makita nila na matapang ako. "That didn't sound jealous at all." Sarkastikong sabi niya. Mas lalo tuloy naningkit ang mga mata ko. "Excuse me. Hindi ako nagseselos. Wala na akong pakialam sa kanya, bwisit siya. Sinabi ko lang kung ano ang totoo." Nakakainis si Kuya Marcus. Do I sound like a jealous girlfriend? I don't think so... right? "Sure sis, if you say so." Sagot niya, nakangisi pa ng nilapitan niya ang ama namin. "Hey dad, kamusta na? Baka naman sa susunod na taon ay may lalabas na naman na bago naming kapatid ha? Aba ngayon pa lang ay ipaalam mo na sa amin para naman maging handa kaming lahat... lalong-lalo na ako. Masyado kang nanggugulat eh." Sabi ni kuya sa ama namin, kaya tawa na kami ng tawa ni Isagani. Ang ama naming palikero, masyadong nag-eenjoy sa kandungan ng mga babae niya, kaya ayan at dumarami na kami. Akala ko ako na ang bunso, pero heto at may Isagani na kami. "Wala akong magagawa kung masyado akong gwapo at pinagkakaguluhan ng mga magagandang babae." Sagot ng ama namin, kaya sabay-sabay pa talaga kaming nagkatawanan. "Seryoso ako, Melanie. Bakit hindi mo na lang kausapin si Eoghan para matapos na ang problema ninyong dalawa? Wala naman sigurong masama kung mag-uusap kayo, hindi ba?" Sabi niya. "Huwag ng masyadong OA, mag-usap na lang kayo para matapos na 'yan." Sabi pa ni kuya. Umayos pa si Kuya Marcus ng upo, elbows on his knees, then he looked at me straight in the eye... hindi na 'yung usual na pabiro niyang tono. This time, he actually meant it. Pero hindi ako agad sumagot. Umirap lang ako, sabay iwas ng tingin, parang biglang naging interesting 'yung kung ano mang nasa kabilang side ng living room. Tahimik lang akong nakatanaw sa sulok ng living room, pero ang totoo... ang daming tumatakbo sa isipan ko. Kausapin si Eoghan? Just like that? Parang ang dali pakinggan, pero hindi naman ganuon kasimple ang lahat ng nangyari. Sa ngayon ay hindi ko pa alam kung kailan ko siya hahayaang magpaliwanag sa akin, pero eventually ay darating din kami sa part na 'yon. At kahit payagan ko siya... ano nga ba ang ipapaliwanag niya? Four damn months na naglihim siya sa akin. Hindi iyon maliit na bagay na kayang tapalan ng sorry niya at ilang paliwanag para kalimutan ang lahat ng paglilihim na ginawa niya. Hindi iyon simpleng pagkakamali na pwede mong i-brush off after one conversation. Napakagat ako sa labi ko, pilit kinokontrol ang sarili kong emosyon para hindi ako muling mainis at para hindi ako muling mapaiyak. Kapag naiisip ko 'yon, nasasaktan ako. Pakiramdam ko ay wala akong halaga sa kanya kaya siya naglihim sa akin, at pakiramdam ko ay mahal pa niya ang Jacky na 'yon kaya niya ako pinaglihiman. Masakit, pero iyon ang totoo. Iyon talaga ang naramdaman ko ng marinig ko mismo ang lahat ng 'yon kay Jacky. Nagawa pa niyang puntahan si Jacky at ang anak nila sa Milan, pero ni hindi niya nasabi sa akin na kaya siya nanduon ay dahil sa kanila. Panloloko 'yon, at masakit 'yon para sa akin. Tapos kahapon, nalaman ko na magkasama na naman sila? "Alam mo ba, kuya... magkasama sila kahapon sa office niya? Nanduon din ang anak nila." Sinabi ko 'yon habang nakasimangot, deliberately, para makita nilang hindi ako okay. Hindi ito simpleng tampo lang... ramdam ko pa rin 'yung bigat sa puso ko ng malaman ko na nanduon ang babaeng 'yon kahapon at kasama niya. Kung anak lang niya ang kasama niya... wala akong problema. I can accept that. Kaya kong tanggapin ang bata. Hindi ako makitid mag-isip. Hindi ako 'yung tipo na magagalit dahil lang may anak siya sa iba. Mahal ko siya, at kung ano man ang parte ng buhay niya, kaya kong yakapin 'yon, kabilang na duon ang anak niya sa babaeng 'yon. Pero si Jacky? That's different. "Ex is ex, hindi ba? So bakit kapag magkasama sila... parang hindi ex ang dating? Parang... pamilya sila?" Sabi ko pa, at alam ko na nararamdaman nila ang matinding selos sa boses ko. Napailing ako, napakagat ako sa pang-ibabang labi ko. Naiinis ako sa sarili ko dahil nararamdaman ko ang galit at selos, pero mas naiirita ako dahil parang wala akong choice kung hindi ang maramdaman ang lahat ng kirot na ito sa aking puso. "Sabihin na nating nagseselos ako... wala ba akong karapatan? Sabihin na nating galit ako... hindi ba normal 'yon? Hindi ba ako dapat magalit dahil apat na buwan siyang nagsinungaling sa akin?" Sabi ko pa. Tuluyan ng tumulo ang mga luha ko na ayaw ko sanang mangyari, pero sa tuwing napag-uusapan namin si Eoghan, nasasaktan pa rin ako. Nasasaktan ang puso ko. Mahal ko si Eoghan, mahal na mahal, pero kailangan niyang malaman kung ano ang pagkakamali niya. Kaylangan niyang masaktan para malaman niya kung paano ako nasaktan, at kung gaano 'yon kasakit. Hindi 'yon ganti, gusto ko lang maramdaman niya 'yung sakit sa puso na ipinaranas niya sa akin. Huminga ako nang malalim, trying to steady myself at saka ko pinunasan ang luha ko. "Apat na buwan siyang naglihim sa akin. Apat na buwan silang nagkikita, nag-uusap... without me knowing anything. Ano ba ang dapat kong maramdaman sa ginawa niyang 'yon, ha kuya? Tell me." Wika ko pa. Hindi sila ngayon makapagsalita, kasi alam nila na tama naman lahat ng sinabi ko. Ako 'yung pinagsinungalingan, pero parang ako pa ang may mali eh. "Ikakasal na nga sana kami, hindi ba? Everything was already falling into place. Tapos biglang... ganun? Pwede ba 'yon? Sinira niya ang tiwala ko sa kanya, kuya. OA ba 'yon? Hindi. Hindi 'yon OA. Natapakan ang pagka babae ko sa ginawa niya. Do you even understand that?" Sabi ko pa sa kanya. Ni hindi ko pa siya binibigyan ng pagkakataon na magsalita. Gusto ko lang na marinig niya ang lahat ng nasa utak ko, at kung bakit ako nasasaktan. "Hindi lang ito tungkol sa pagseselos. It's about respect. About honesty. Kaya kung galit man ako... kung nasasaktan man ako... kung hindi ko siya agad mapapatawad... karapatan ko 'yon kuya. Sana naiintindihan mo ang sinasabi ko. Hindi ako OA, nasira lang ang tiwala ko sa kanya kaya ganito ang nararamdaman ko ngayon." Sabi ko at pinunasan ko ang mga luhang panay na ang pagpatak. Isang mahigpit na yakap ang iginawad sa akin ni Kuya Marcus at dalawang halik sa ulo, kaya tuluyan na akong humagulgol sa kaniyang dibdib. "I'm sorry... I'm so sorry, Mel." Bulong niya, tango lang ako ng tango at yumakap na ako ng mahigpit sa kanya. Maging ang aking ama at si Isagani ay nakiyakap na rin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD