Chapter 9 -BengBeng-

2433 Words
❀⊱Melanie's POV⊰❀ "May problema ka ba?" Nagulat ako ng marinig ko ang boses ni Lysette. Pababa siya ng hagdanan, nakangiti sa akin, pero makikita rin sa mga mata niya ang labis na pag-aalala. "Wala naman. Gusto kong pumunta ng Tagaytay, sa farm ni dad. Gusto mo bang sumama sa akin?" Sagot ko. Napangiti naman siya sa akin at saka siya tumango. "Ngayon na ba?" "Ilang araw ba tayong mawawala?" "Kasama ba natin si Christalyn?" Sunod-sunod na tanong niya kaya natawa ako ng mahina. Napatingin pa ako sa aking orasang pambisig, at saka ako tila ba nag-isip ng isasagot ko sa kanya. "Oo sana. Nagsabi ako kay Christalyn kagabi, kaya lang hindi siya pwede... masyadong dedicated ang isang 'yon sa hotel ni Eoghantot." Sabi ko, medyo napailing pero nakangiti pa rin. "Pero kung hindi ka rin pwede, okay lang naman. Ako na lang ang pupunta duon. Wala namang problema sa akin, gusto ko lang mag-relax... and honestly, ang farm ni Dad ang unang pumasok sa isipan ko." Sabi ko pa, and I meant that. Kasi sa dami ng ingay sa buhay ko ngayon... issues, emotions, unfinished conversations na parang ang sarap tumakas sandali. Kahit ilang araw lang. 'Yung tahimik, walang drama, walang kailangang patunayan kahit na kanino kung saan ka nagkulang. Napatingin ako kay Lysette. Mabait si Lysette, at hinahanap namin ang magulang niya na Ignacio, pero sa dami ng Ignacio... hindi ganuon kadali 'yon. At ang pinmaka-mahirap pa ay walang naka-rehistro na Lysette Ignacio na birth certificate, kaya hindi namin alam kung sino talaga ang nagmamay-ari ng bracelet na suot niya nuong iniwan siya sa harapan ng simbahan. Pero dahil wala rin nakakaalam... iyon ang ipinangalan ng mga madre sa kanya. Lysette Ignacio. Napangiti ako sa kanya habang may ginagawa siya sa kaniyang notebook. Tungkol 'yon sa trabaho niya, at bakit ba kasi ayaw na lang nilang tanggapin na duon na lang sila sa office ko magtrabaho? I mean... it would make things easier. Mas maaalagaan ko sila, mas mababantayan ko kung okay sila at mas malaki ang sweldo. Pero no... pinapairal talaga nila ang pride nila. Maybe hindi pride, maybe ayaw lang nilang umasa sa amin, kaya gusto nilang may mapatunayan sa kanilang sarili, kaya naiintindihan namin 'yon. Sabi nga nila ay sobra-sobra na raw kasi ang tulong ko sa kanila. Dahil binigyan ko sila ng matitirhan, dahil tinulungan ko sila makabangon. Kaya ngayon, they're trying to stand on their own. Kaya nga nag-iipon silang dalawa dahil plano nilang bumukod, kahit daw apartment lang na paghahati hatian nilang bayaran buwan-buwan. And honestly? Hindi talaga ako sang-ayon sa plano nilang 'yon, sayang kasi ang pera na pinaghihirapan nila. Kung pwede namang mag-stay na lang sila dito, mag-ipon pa lalo, at least... dito ay wala silang gagastusin kahit na piso. Pero... I get it. Kahit sabihin ko pa sa kanila na dapat ay feel at home lang sila dito... it will never fully feel like home for them. Hindi nila bahay 'to. May limit pa rin ang galaw nila, may konting pag-iingat pa rin sa kilos. Like... gusto nilang mag-inuman dalawa sa living room at humalakhak ng humalakhak, o umiyak ng umiyak... hindi nila kayang gawin 'yon dito kahit hinahayaan namin sila, kasi alam nila sa sarili nila na hindi nila pwedeng gawin 'yon dahil nakikitira lang sila, kahit na sinasabi ko sa kanila na okay lang kahit na ano ang gawin nila. Kaso, nililimitahan talaga nila ang kilos nila, and they want freedom. 'Yung tipong wala silang iniisip na baka may maistorbo silang iba. 'Yung sarili nilang space, sarili nilang rules. Kaya nga sabi ni Dad sa akin na let them be. Na kung ano ang nais nila, hayaan ko lang. Dapat nga raw ay matuwa ako. Kasi hindi lahat ng taong tinutulungan... marunong tumayo sa sarili nilang paa. Pero sila? They're trying. Hindi sila umaasa habang-buhay sa mga taong tumutulong sa kanila. At duon ako natahimik ng sinabi 'yon sa akin ng aking ama. Kasi may punto siya. Ang alam ko, balak nilang tatlo na magsama-sama sa isang apartment. Si Christalyn, si Lysette... at 'yung kaibigan ni Christalyn na si Dess na nagtatrabaho din sa hotel ng ex kong si Eoghantot. She seems decent, polite, at marunong makisama. Madaldal din katulad ng pinsan kong si Christalyn at nitong si Lysette. "May pasok ka ngayon, hindi ba?" Tanong ko sa kanya. Simple siyang ngumiti, 'yung parang nahihiya, kaya natawa ako. See? May pasok pala siya sa trabaho, pero gusto niya akong samahan, kasi nahihiya siyang tumanggi. "Baka hindi na lang ako pumunta ng farm ni Dad. Baka next week na lang." Wika ko. Napangiti siya, kaya muli akong natawa. "Sige, next week makakasama ako." Sabi niya. Tumango ako. Sinabi ko sa kanya na mag-ready na siya para hindi siya ma-late sa trabaho niya. Nagpaalam na siya at nagmamadaling umakyat sa mataas na hagdanan. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko at saka ko ipinikit ang mga mata ko. Ayoko munang isipin si Eoghan, kaya gusto kong mag-relax. Pupunta na lang ako sa farm ng Dad ko, at kapag nanduon na ako ay saka ko na lang ipapaalam sa kanila. Sabihin ko na lang na biglaan ang naging desisyon ko. Wait... pupunta na lang pala ako ng Davao Del Sur. Tama... at least duon... makakasama ko si Daisy at si Emalyn. Duon muna ako tutuloy kila Daisy, para ko na rin naman silang pamilya. Ayain ko kaya si Agatha... busy kaya ang bruha na 'yon? Muli akong napahugot ng malalim na paghinga at saka ako napangiti. Mabilis akong nagtungo ng aking silid, at saka ko hinanap ang isang ID ko na ginagamit ko nuon sa kalokohan. May fake name ako, may fake birth certificate na magpapatunay na pangalan ko talaga 'yon. Napahagikgik ako. Tama, hindi malalaman ni Eoghan kung nasaan ako. Magpapalit din ako ng phone, at lahat ng pwede niyang ma-trace sa akin ay tatanggalin ko. Sasabihin ko sa Dad ko na mag-transfer ng pera sa bank account ko na fake ang pangalan ko, at least... kami lang dalawa ni Dad ang nakakaalam kung sino ang pangalang 'yon. Ako 'yon, at kahit panay ang withdraw ko sa atm na 'yon ay hindi 'yon ma-trace ni Eoghantot. Pagkakuha ko ng ID ko, pinuntahan ko agad si Dad sa kanyang silid. Nagulat pa siya ng bigla akong pumasok sa nakabukas na pintuan, at naupo agad ako sa gilid ng kama. "Hi Dad!" Nakangiti kong sabi, at humalik ako sa pisngi niya. Nakasuot siya ng sunglasses habang ang laptop ay nasa kandungan niya. Napatigil siya sa pagtitipa, at napatitig sa akin. Tila ba binabasa niya kung ano ang kalokohan sa likod ng ngiti ko na 'yon. Kilala kasi nila ako, makalokohan talaga ako, at iyon ang hindi ko maalis sa sarili ko. Sinabi ko sa kanya ang pakay ko. Natawa pa siya, at tila ba hindi makapaniwala. Napapailing siya ng ulo, pero nag-transfer din naman ng pera sa dating bank account ko na ginagamit ko sa mga kalokohan ko. Active pa naman, kaya magagamit ko 'yon. "So... ikaw na naman si BengBeng Dela Cruz? Ikaw talagang bata ka, puro ka kalokohan." Sabi ni Dad, natawa naman akong bigla. "Sinusuportahan mo naman ang kalokohan ko eh. Basta Dad, huwag na huwag mong sasabihin kay Kuya Marcus ha. Alam mo naman 'yon, si kontra kasi 'yon. Buti na lang talaga nandiyan pa ang old phone ko na ginagamit ko sa mga kalokohan ko, kaya iiwanan ko ang phone na ginagamit ko para hindi ako matawagan ni Eoghan at ng kahit na sino." Wika ko. Natatawa lang siya. "At kung kailangan mo akong kontakin... don't forget Dad... BengBeng is my name." Makalokohan ko pang sabi, kaya tawa na ng tawa si Dad sa akin. May social media ako sa old phone ko, at ang pangalan ko duon ay BengBeng Dela Cruz, at iyon ang ginagamit ko sa tuwing maglalayas ako dati dahil inis ako kay Kuya Marcus, at si Dad lang ang nakakaalam ng tungkol duon. Saka si Dad naman ang nagpagawa ng fake identity ko. Parang si Kuya Marcus lang at lahat ng kaniyang assassins na may mga fake identities sila. Hindi lang isang fake name, marami, at bawat isang fake na pangalan na ginagamit nila ay may pasaporte. Lalong-lalo na si Kuya Josh. Grabe ang dami ng fake passports niya, at iba-iba pa ang mukha niya. Nakakaloka ang isang 'yon, talagang master of disguise. "Promise me Dad na walang makakaalam nito." Paninigurado ko. Natawa ang Dad ko at tumango. Humalik ulit ako sa pisngi niya, at saka ako bumalik ng silid ko. Kailangan kong bumili ng plane ticket gamit ang old phone ko at ang fake name ko patungo ng Davao, para duon muna ako ng ilang araw. Makalipas ang thirty minutes ay natapos na rin ako, at mamayang alas dos ang flight ko patungo ng Davao Del Sur. Maaga pa kaya dito na lang muna ako. Hindi na ako magdadala ng damit, may pera na 'yung BengBeng na bank account ko, kaya bibili na lang ako ng mga damit na isusuot ko, 'yung mura lang, hindi ko kailangan ng mga mamahaling damit. Makikipagsabayan ako sa mga kaibigan ko sa probinsya. Pagbaba ko ng hagdanan ay nagtungo ako sa maid's quarter, at inabutan ko si Manang na galing ng palengke, at bago pa ako makalapit ay narinig ko ang boses ni Kuya Marcus sa likuran ko. "Nakita kita na patungo dito kaya sinundan kita." Sabi niya. Ngumiti lang ako sa kanya at saka ko nilingon si Manang. "Nagtatampo ka pa ba sa akin?" Tanong niya. Umiling naman ako, kaya niyakap na niya ako. Natawa tuloy ako. Hindi talaga siya mapakali kapag nagtatampo ako. Gumagawa siya ng paraan para maayos ang problema kung mayroon man. Pero honestly... hindi naman talaga ako nagtatampo sa kanya. "Manang ano ba 'yang mga dala mo?" Tanong ni Kuya Marcus. "Ito ang binili ko sa palengke. Uulamin namin mamayang tanghalian, apat na pata ng baboy, kasama ang mga paa. Iluluto ko siya sa humba, request ng mga kasama kong kasambahay dito at ng mga gardeners. Naghati-hati kaming lahat sa gastos para lahat ay patas." Sagot ni Manang na mayordoma ni Dad. Nakangiti lagi at mukhang excited pa sa iluluto niya. Pagkatapos ay inilabas niya sa bayong ang apat na pata ng baboy, at saka niya inilagay sa malaking planggana na nasa lababo na nasa labas ng maid's quarters nila. "I see. Iyang isang paa ng baboy, kay Wena Taborada 'yan, 'yung CIA ni Maguz, itong isa namang isang paa na may batik ng itim, ay kay Rachell Mae Roxwell, CIA din 'yon ni Maguz at Owen... at itong dalawang paa... nakasayaw ko na 'yan. Kamukhang-kamukha 'yan ng mga paa ng Taruray Fuentebella na 'yon. 'Yung kakambal ni Aja. Tignan mo oh, kahawig talaga, pati 'yung kuko. Ang gagandang mga babae, ang mga paa, parang pata ng baboy." Wika ni Kuya Marcus, kaya bigla akong napatitig sa apat na pata ng baboy na kasama ang mga paa. Bigla tuloy akong natawa sa kalokohan niya. Kilala ko ang mga tinutukoy niya, pero hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak niya at iyon ang sinabi niya. "Manang, bago mo lutuin ang mga 'yan... dapat ay imasahe mo muna ng mantika para mabilis lumambot kapag pinakuluan mo na." Sabi pa niya, kaya tawa na kami ng tawa ni Manang. Sira ulo din talaga si kuya, pati pata ng baboy ay napagdiskitahan pa niya. "Sige hijo at gagawin ko 'yan." Sagot naman ni Manang, kaya maging si Kuya Marcus ay tumatawa na rin ng malakas. "Kuya, puro ka kalokohan." Wika ko, pero hindi ko mapigilan ang tawa ko. "Seryoso ako, nakita ko pa nga ang paa ni Taruray ng isinayaw ko siya... lumabas ang hinlalaki niya sa sapatos, kamukhang-kamukha ng paa na 'yan." Sabi ni Kuya, kaya humahagalpak na ako ng tawa. "Ganyan din nangyari kay Rachell at kay Wena na CIA agent ni Maguz at Owen kaya nakita ko ang hitsura ng mga paa nila... kaya nga malalaki ang sapatos nilang suot, kamukhang-kamukha kasi niyan ang paa ng mga 'yon." Sabi pa ni Kuya Marcus, kaya pati si Manang ay tawa na rin ng tawa habang nililinis ang apat na pata ng baboy. "Seryoso ka ba kuya?" Tanong ko, hindi ko talaga mapigilan ang tawa ko. "Oo nga. Totoo ang sinasabi ko. Sige, iimbitahan ko sila next week sa estate ko, dapat ay nanduon ka din. Tapos titigan mo ang mga paa nila para malaman mo na nagsasabi ako sa'yo ng totoo. Magpapaluto ako sa chef ko ng ginataang paa ng baboy, adobong paa ng baboy, nilagang paa ng baboy, at saka ginisang paa ng baboy na maraming siling labuyo, kasama kuko. Para sa kanilang tatlo lang 'yon. Pero bago nila matikman ang mga putaheng 'yon... may naghihintay sa kanilang tatlo. Tignan ko lang kung hindi sumakit ang tiyan mo sa katatawa." Sabi ni kuya kaya tawa ako ng tawa. Hindi ko alam kung seryoso siya o nagbibiro lang, pero tawang-tawa talaga ako sa mga sinasabi niya. At least... nababawasan ang lungkot na nararamdaman ko dahil sa kanya. "Sige kuya, kung seryoso ka, darating ako next week, basta magsabi ka lang. Aagahan ko para wala akong ma-miss sa lahat ng gagawin mo." Sagot ko, at saka siya tumawa ng tumawa ng pahalakhak. Pati tuloy kami ni Manang ay tawa na rin ng tawa dahil sa klase ng tawa niya na akala mo ba ay may maitim na binabalak. Knowing kuya... kahit na matapang ito na pinuno ng mafia, pero pagdating sa mga kalokohan, number one siya. Napatingin ako sa aking orasang pambisig. Maaga pa naman, may oras pa ako para makipagpalitan ng kalokohan kay kuya, pero hindi ko sasabihin sa kanya na ilang araw akong mawawala. Kung hahanapin naman niya ako, si Dad na ang bahalang magpalusot. Sabihin lang niya na nasa business trip ako ay hindi na siya magkukulit pa. I let out a deep sigh and glanced at Kuya Marcus na seryosong tinititigan ang mga paa ng pata ng baboy. "Yari sila sa akin, next week." Sabi niya. Pero ako, nag-iisip na ako kung ano ang dadalhin ko pag-alis ko mamaya. Kailangan makabalik agad ako next week... I don't want to miss whatever he's planning for those three. Siguro may atraso sa kanya. Natatawa tuloy ako dahil nakikita ko ang ngisi ni kuya. Kapag ganuon ang ngisi niya... may kalokohan talagang pumapasok sa utak niya. "Aalis na ako, may ipapaayos ako sa aking estate. Sisiguraduhin ko na sabay-sabay silang tatlo na darating." Sabi ni kuya. Hay salamat naman... kailangan ko na ring mag-ready. Pupunta na si BengBeng sa Davao... and just thinking about it made me laugh under my breath.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD