Kabanata 1
"Guadalupe," sinamaan ko siya ng tingin at tinawanan lang ako ng loko. Alam niya kasing ayaw kong tinatawag ako sa first name ko. Hinampas ko ang balikat niya pero nginisian niya lang ako.
"Ito na ang una at huling beses na sasabay ako sa iyo pauwi. Nakakabanas ka na, eh." inis na sabi ko sa kan'ya. Kung hindi lang talaga naulan ay hindi naman ako sasabay sa kan'ya! 'Wag niya akong inaasar dahil pikon na pikon na talaga ako. Paano ba naman iyong Mayor namin 'tsaka lang nag-suspend ng klase kung kailan nakapasok na kami! Basang sisiw tuloy ako nito pauwi! Tapos may kasama pa akong asungot. Kung hindi lang siya ang may-ari ng payong na ito ay hindi ako sasabay sa kan'ya!
"Sungit mo naman, Lupe. Ang ganda naman ng pangalan mo, ah." tawa niya ulit. Maganda raw? Nakakainsulto nga ang tawa niya, eh.
Naiirita na talaga ako kaya tinulak ko siya pero wrong move iyon dahil nabasa ako ng ulan. Siya iyong may hawak ng payong, eh! Agad naman siyang dumikit ulit sa akin. "Eh, tawagin din kaya kita sa mabantot mong pangalan? Ha! Santiago!" sigaw ko habang pinupunasan ko ang sarili ko gamit ang aking mga kamay.
"Oo na, Lupe na. Bakit ka nagagalit? Init ng ulo mo, ah. Pasalamat ka nga kinrush back kita, eh." balewalang sabi niya habang pinupunasan ang balikat at ulo ko gamit ang kaniyang panyo. Medyo nag-loading ako ro'n sa sinabi niya dahil sa bango ng panyo niya. Halatang bagong laba iyon dahil sa amoy ng fabric conditioner. Napatulala rin ako dahil ang lapit namin sa isa't isa.
Nang mahimasmasan ako ay lumayo ako sa kan'ya, tumingin sa malayo at nag-umpisa ulit maglakad. Sinundan niya naman ako at pinayungan. "Anong crush back? Crush ba kita?" pagtataray ko pero bakit parang pakipot ang naging tono ko?
"Ay hindi ba?" sabi niya. Hindi ko man kita ang ekpresyon niya ay ramdam ko ang ngisi niya. Feeling pogi talaga 'tong lalaking 'to! Palibhasa campus crush kaya ang lakas ng loob! Nag-uumapaw ang confidence!
"Asa ka!" sigaw ko. Kung may masasakyan lang talaga akong jeep ay sana kanina pa ako nakauwi.
"Kahit 'di mo ipagsigawan, Lupe. Matagal na kong umaasa sa'yo." seryosong sabi niya kaya napatingin ako sa kan'ya.
"Pinagsasabi mo? Ang bata pa natin."
"Bata? 17 na tayo. Teenagers! Magle-legal age na nga tayo next year, eh. Normal lang namang ma-inlove ako sa'yo. Ang hindi normal ay walang kang nararamdaman para sa akin. Sa pogi kong 'to?" pagyayabang niya sabay himas ng baba niya.
Akala ko pa naman seryoso na siya. Kengkoy pa rin. "May nararamdaman naman ako sa'yo, eh." sabi ko sa kan'ya.
"Talaga? Sinasabi ko na nga b–"
"Inis! Iyon ang nararamdaman ko sa'yo. 'Pag nakikita kita, nagdidilim ang paningin ko. Kumukulo ang dugo ko!"
"Ang sakit mo naman magsalita. Ano bang ayaw mo sa akin? Bukod sa pogi ay funny naman ako." pagdadrama niya.
"Eh ikaw, bukod sa maganda ako, ano pang nagustuhan mo sa akin?" tanong ko at hindi ko rin maiwasang magyabang. Average lang itsura ko para sa iba. Pero mataas ang tingin ko sa sarili ko 'no. Kaya maganda ako.
"Hmmm... wait. Isipin ko..." sabi niya at hinawakan na naman ang baba niya. "Matalino ka. Masipag. Mas naattract ako sa'yo sa tuwing sobrang competitive mo sa pagtaas ng kamay makasagot lang sa recitation. Tapos wala kang paki sa iniisip ng ibang tao basta alam mong tama ka at hindi ka naman nakakaapak ng ibang tao. Napansin ko kasing marami nang nagbalak mam-bully sa iyo pero tameme silang lahat sa'yo. Prangka ka rin at sobrang tapang. Sobrang cute mo naman kapag nakakakita ka ng pusa. 'Tsaka pinapabilis mo ang t***k ng puso ko at minsan nahihirapan akong matulog sa gabi kapag ikaw ang nasa isip ko. Kulang pa ba? Baka abutin tayo rito ng umaga ang kapag inisa-isa ko sa'yo lahat." nakangiting sabi niya.
"OMG, Santi!" tili ko.
"Bakit?"
"Kinikilig ako!" pag-amin ko.
Natutulala siya saglit pero kalauna'y ngumiti nang malawak. "Totoo ba 'yan. Kasi ako rin." sabi niya.
"Prangka ako 'di ba?" sabi ko sa kan'ya.
Tumango-tango siya na sabay hamapas nang dibdib niya. Litaw na litaw ang pamumula ng kan'yang tainga.
Biglang lumakas ang buhos ng ulan at inakbayan niya ako para mas sumiksik kami sa payong. "Doon muna tayo sa convenience store." sabi niya at tumango naman ako dahil ang lakas talaga ng ulan.
Pumuwesto na kami sa bakanteng mesa. "Bili ako ng pagkain, anong gusto mo?" tanong niya sa akin.
Tumingin ako sa paligid. Dahil sa lamig nag-crave ako sa "instant noodles, iyong spicy seafood." sabi ko sa kan'ya. Kinuha ko rin ang cellphone ko dahil doon sa loob ng case nakalagay iyong baon kong pera.
"Huwag na, libre ko. First date natin, hindi ka muna gagastos. Next date, ikaw na ang taya." ngisi niya.
"Next date ka riyan," pagtataray ko sa kaniya. Inistrech niya ang noo ko gamit ang mga dalawang hinlalaki niya habang tumatawa kaya pinalo ko ang kamay niya. "Namimihasa ka na, ah! Don't touch me!" sita ko sa kan'ya.
"Huwag gawing hobby ang pagiging maldita. Maagang kang magkaka-wrinkles niyan." sabi niya at umalis na siya para bumili.
Bakit gano'n? Naiirita ako kay Santi kapag malapit siya sa akin. 'Pag naririnig ko ang boses at tawa niya. Pero ngayong malayo siya, which is hindi naman sobrang layo, nalulungkot ako.
Hindi na bago sa akin na kulang sa pansin si Santi. Siya lang naman ang campus crush, Mr. Congeniality, at clown sa school namin. Maligalig at palangiti talaga siya. Kaya akala ko wala lang ang pangkukulit niya sa akin. Dahil wala namang nakakaligtas sa pangungulit niya. Tapos ngayon, bigla niyang sasabihin na crush niya ko.
Napatingin ako sa cellphone ko nang umilaw ito dahil sa message sa akin ni mama.
Mama:
Guada, nasa'n ka na? Walang masakyan at hindi kita masusundo. Nasa trabaho pa ang papa mo. Nakasakay ka na ba? Traffic ba riyan?
Nagtipa naman ako ng reply ko.
Wala rin akong masakyan, ma. Naglalakad lang kami tapos lumakas po ang ulan. Huwag po kayong mag-alala kasama ko po kaibigan ko. Pahinain lang po namin ang buhos. Nasa conveniece po store kami.
Nag-reply si mama at nanghihingi ng pruweba kaya nag-selfie ako. Nang i-check ko ang picture ay nag-photobomb pa talaga si Santi na naka-finger heart habang nakapila sa cashier. Saglit na nag-iba ang t***k ng puso ko pero sinend ko na rin kay mama.
Nag-reply naman si mama ng isang malaking like emoji.
Binalikan ko ang picture namin ni Santi. Matangkad siya kaya medyo nakayuko siya para kasya siya sa frame. Parehas kaming nakangiti. Hindi ko namalayang zino-zoom ko na pala ang mukha niya.
Naramdaman kong nagvibrate ang mesa at napatingin ako sa cellphone ni Santi.
Bruha calling...
Sino naman 'to? Sasagutin ko ba? Huh? Bakit ko naman sasagutin? Nilingon ko si Santi at papalapit na siya sa puwesto namin habang hawak-hawak ang tray na puno ng pagkain. Kumulo ang tiyan ko at tumawa ang loko dahil narinig niya.
"Gutom ka na, ah. Gusto mo ng kanin?"
"May bruhang tumatawag sa'yo?" hindi ko naman intensyong magtaray pero pataray ang pagkasabi ko no'n.
Umupo siya sa tabi ko at nilagay na sa tapat ko ang spicy noodles na gusto ko. "Stepmother ko iyan," sabi niya habang nakasimangot na tinitingnan ang missed call sa cellphone niya. "Ito, oh. Mag-gatas ka. Sabi mo bata ka pa, eh." biglang biro niya sa akin.
Nilalagyan niya na ng sauce ang bola-bola siopao niya pero bago niya masubo iyon ay nagtanong ako. "Bakit naman, bruha ang pangalan niya sa cellphone mo?"
Tumigil siya saglit at tuluyan niya nang kinagat ang siopao niya. Dapat 'ata hindi na ako nagtanong. Tumingin na lang tuloy ako sa noodles ko at nagsimula nang humigop ng sabaw.
"Alam mo iyong mga stepmother ng disney princesses? Parang gano'n kasi siya. Kaya bruha. 'Di naman ako makapalag sa kan'ya nang harapan kaya dinaraan ko na lang sa pagtawag sa kan'ya ng gano'n. Bakit na-turn off ka na ba sa akin?" tanong niya.
"Hindi naman." sagot ko. "Pinaglilinis ka ba niya ng bahay? Inaalila ka ba niya?" tanong ko.
"Parang gano'n. Nilalason niya ang isip ni papa. Basta." iling niya. "Iba na lang pag-usapan natin. Hulaan ko paborito mong kulay." masiglang sabi niya pero parang pilit.
Ayaw niya siguro talagang pag-usapan. Sobrang chismosa ko na. "Sige nga, ano?" pagsakay ko sa kan'ya.
"Pink," confident na sabi niya.
"Kahit sino naman makakahula no'n. Halos lahat ng gamit ko pink." dahilan ko.
"Ikaw naman, hulaan mo kung anong paborito kong kulay?" excited na tanong niya sa akin.
"Blue."
"Ang galing mo, ah! Meant to be talaga tayo." sabi niya.
"Ang corny mo pala, Santi." dismayadong sabi ko sa kan'ya pero napapangiti naman ako.
"May isa pa akong hula," pamimilit niya.
"Ano na naman 'yan?"
"Magiging tayo."
Bakit hindi ko mapigilan ang sarili kong ngumiti? Ang uto-uto ko naman masyado. Naisahan ako ng bolerong iyon, ah. Pinakiramdaman ko ang sarili ko at hinawakan ang aking dibdib at pisingi. Ang bilis nang t***k ng puso ko at ang init-init ng pisngi ko. Nakaramdam na ko ng kilig, sa tuwing nanonood ako ng pelikula, nagbabasa ng mga nobela at nakakakuha ng mataas na score sa exams. Pero iba ito. Iba talaga.
Napabalikwas ako nang hawakan din ni mama ang pisngi ko. "Ang init mo, ah. Siguro dahil nagpaulan ka kanina." sabi niya.
"Baka naman, kinikilig dahil may naghatid sa kan'yang lalaki kanina." striktong puna ni papa.
Mabilis naman akong umiling. "Hindi po, ah!" tanggi ko dahil alam kong magagalit si papa 'pag umamin ako. Ayaw niyang may lalaking umaaligid sa akin.
"Siguraduhin mo lang, ah. Guanda, hindi ka pa puwedeng mag-boyfriend. Antayin mong mag-33 ka." paalala niya sa akin.
"Grabe ka naman, darling. Normal lang naman sa teenager 'yan. Hayaan mo namang maging dalaga si Guada. Alam naman nating matalinong bata si Guada, hindi siya papatol sa kung sinu-sino." pagtatanggol sa akin ni mama.
"Bakit? Matalino rin naman ang anak ni kapitbahay natin pero marupok, ayon hindi na nag-aral dahil maagang nabuntis ng boyfriend kuno. Iyong lalaki, naglahong parang bula. Nadagdagan pa ang pasanin ng kan'yang nanay. Imbes na pagaanin ang buhay ng magulang ay nagdagdag pa ng palamunin." dismayadong sabi ni papa. "Ikaw lang ang nag-iisa naming anak. Babae pa. Huwag kang gagaya sa kanila, Guada." mariing sabi sa akin ni papa at napatango na lang ako.
Dahil sa tensyon, binago na lang ni mama ang usapan. "Guada, tulungan mo na akong maghain ng hapunan."
Nang matapos kaming kumain ay nagkulong na ako rito sa kwarto. Nanonood sila mama at papa ng tv pero hindi ko naman gustong manood ng mga teleserye dahil paulit-ulit lang naman ang kuwento at puro kabitan pa. Tumingin na lang ako sa salamin at nagpa-cute. Sumagi na naman sa isip ko si Santi. Totoo ba iyong sinabi niya? Na-attract siya sa akin? Gusto niya ako? Sa ulan pa talaga siya nag-confess sa akin. 'Di ba ang romantic?
Kinuha ko ang heart-shaped kong salamin at kinausap ang aking sarili. "Tama naman siguro si mama at Santi. Wala namang masama sa ma-inlove, ah. Judgemental at strikto lang talaga si papa." nguso ko. "Hindi naman ako talaga gagaya sa anak ng kapitbahay namin 'no. Puppy love lang naman. Hindi naman ako masyadong magse-seryoso. Okay naman siguro ang walang label. MU muna." sabi ko sa sarili ko sa salamin at tumango-tango pa.
Wala naman sigurong masama kung susubukan ko. Kaya ko namang kontrolin ang sarili ko. Hindi ako mahuhulog nang todo. Kay Santi pa ba?
Pero paano kung tama si papa? Paano kung naging marupok ako tapos nagkamali ako? Paano kung hindi ko makontrol ang sarili ko. Ang hirap pala ng gan'to. Siguro naninibago lang ako. Siguro wala lang 'to. Baka kapag iniwasan ko si Santi, mawawala rin 'to.
Napansin kong nakasimangot na ako ngayon sa salamin. "Nalulungkot ako. Hanggang kailan naman ako nalulungkot? Hanggang kailan mawawala ang nararamdaman ko sa kan'ya. Teka-- ano bang nararamdaman ko sa kan'ya?" tanong ko sa sarili ko. Sobrang naguhuluhan ako ngayon kaya ginulo ko rin ang buhok ko.
Tiningnan ko ang cellphone ko at nakita na ang mga chat messages ni Santi.
Santiago:
Salamat kanina, ah.
Nanonood ako ngayon ng balita. Sana may pasok na bukas. Gusto kita makita.
Kainis. Walang pasok bukas. :(
Kawawa ka naman, hindi mo makikita kapogian ko.
Huwag mo akong masyadong mami-miss, ah.
Pero kung hindi mo na talaga kaya, mag-video call tayo.
Guadalupe.
You missed a call from Santiago.