"MA'AM, may naghahanap sa inyo," napatingala si Lemuella sa nagsalita. Isa sa mga tao ni Rohn na nag-aasikaso sa mga nakikiramay ang nasa tabi niya. Nasa unahang upuan sila nakapuwesto. Napapagitnaan nila ni Diosa si Macaria. Tumayo si Macaria at lumapit sa kabaong ni Floro. Hindi na ito umupo pa. Nasa tabi na lang ng kabaong at tahimik na nagmamasid sa asawa. Nagkakatinginan na lang sina Lemuella at Diosa. Alam niya, nagtataka na rin si Diosa sa kilos ni Macaria. Biyudang-biyuda talagang nawalan ng pinakamamahal na asawa ang peg nito! Hindi lang mapigilan ni Lemuella na magtaka. Buwan pa lang naman kasi ang itinagal ng pagsasama ng dalawa. Hindi siya gaanong convince na nahulog ang loob ni Macaria kay Floro kaya ganoon na lang ang sakit na nararamdaman nito ngayon. Pero hindi rin naman

