Nagpalitan sila ng text message ni Jamir. May sakit daw si Marrio, Jam? Ang unang text message niya kay Jamir. Mga ten minutes bago niya natanggap reply nito. Two days na, reply ni Jamir. "Ano'ng sakit? Palpak naman ang timing—wala ako sa condo. Sino'ng kasama ng bruho?" "Ako. Don't worry, 'di 'to mamamatay agad. Pagkagaling diyan sa Bataan, masama na ang pakiramdam pero may trabaho pang tinapos. Naulanan pa yata pagkatapos ng shoot. Nagdere-deretso na. Trangkaso lang naman, Ellah. Nasa kabilang building lang naman ako. Mabilis lang tumawid sa Tower A. Hindi ba kayo nag-uusap ni M? Tinanong ko kung nasaan ka, nagbabakasyon daw. Wala namang binanggit kung saan. Hindi pa ako makakauwi, Jam. Bahala ka na muna kay Debil, ha? Ingatan mo at baka mamatay 'yan. Hahaha! Natahimik na ang cell

