"Naku! Matagal pa naman po gaganapin ang contest na iyon," alanganin kong sabi rito. "So, basta sabihin mo sa akin kung kailan gaganapin iyon at gusto kitang mapanood sa gagawing mong pag-iyak doon." "Senyorito, wala pa naman pong eksaktong date kung kailan gaganapin ang contest. At iyong nakita mo po kanina ay nag-aaral pa lang akong umarte. Baka kasi ma discover ako at maging artista," masayang sabi ko rito. "Malabong mangyari na magiging artista ka," paasik na sabi ng amo ko. "Paano po naging malabo? Eh, may talent naman ako sa pag-arte, bakit hindi ako makukuhang artista?" naka-angal kong tanong rito. "Wala kang talent sa pag-arte. Para ka ngang baliw nang makita kitang kinakausap mo ang kotse ko. Kung hindi ako nagkakamali parang si Sisa ka lang. Kilala mo ba iyon?" Parang bigl

