Naikuyom ko ang aking mga kamao, habang nakatingin sa lalaking kaharap ko. Gustong-gusto kong magwala. Pero hindi ko magawa baka kasi sapakin lang ako ng lalaking ito. "Senyorito Blake, iyon lang ba mga kailan para tuluyang makapasok bilang kasambahay mo?!" tanong ko. Pero ang bunbunan ko'y umuusok na sa galit. "Yes, iyon lang," mabilis na sagot niya sa aking tanong. "Ahh! Ang unti naman. Baka gusto mo pang dagdagan ang mga requirements para kasing kulang pa, senyorito," sabi kong labas sa ilong. Pansin kong dumilim ang mukha nito. Pero pinilit kong labanan ang titig niya sa akin. Ngunit ako rin ang unang sumuko at agad na umiwas ng tingin sa lalaki. Hindi ko pala kaya ang makipagtitigan dito. Pakiramdam ko'y sobrang lagkit at init ng titig niya sa akin. "Lumabas ka na Manang," pagtat

