Balak ko pa sanang magsalita nang suminyas ito sa akin at nagbigay ng babala na huwag na akong umangal pa. Kaya naman nanahimik na lang ako. Baka lalo akong samain sa binata. "Pumasok ka na sa loob Rosana, kami na ang bahala rito," pagtataboy nito sa akin. "Sige po, senyorito," magalang na sagot ko sa aking amo. Maliksi naman akong tumalikod para tuluyan nang pumasok sa kabahayan. Sa kusina ako pumunta upang magluto ng pagkain ng aking senyorito. Ngunit kahahawak ko pa lang ng kawali ay may boses naman nagsalita mula sa likuran ko. Kaya maliksi akong lumingon dito. Kumunot ang noo ko nang makita ko ang isang lalaki. At ito lang naman iyon nagbubuhat ng mga kahon kanina. Nagtataka tuloy ako kung bakit ito nakapasok dito sa loob ng bahay. Ang alam ko'y bawal pumasok ang kahit na sino

