Madilim. Kahit walang gaanong makita ay inilibot ni Jia ang paningin niya. Sa tabi niya ay may nakita siya, pero hindi niya maaninag kung sino ito dahil sa matinding kadiliman. Sino iyon? tanong niya sa kaniyang sarili at pilit sinisipat ang taong gumagalaw. “J-Jia...” Ha! Napalingon siya sa gawi kung saan may naaaninag siyang bulto. Kahit nakakaramdam ng takot ay pinilit niya ang sarili na tumayo, ngunit ganoon na lang ang panggigilalas niya nang hindi niya maramdaman ang paa niya. Pagtingin niya sa pang-ibabang bahagi ng katawan niya ay ganoon na lang ang sigaw niya dahil wala na iyon. Tila natunaw ang pang-ibaba niya. “Ahhhhh!” malakas na sigaw ni Jia kasabay ng pagkapa sa paa niya. Habol niya ang hininga niya dahil sa kaba na naramdaman niya sa pag-aakala na totoo ang naran

