Kabanata Lima

1055 Words
Nakahawak sa sentidong bumangon ako mula sa kama na alam kong pagmamayari ko. Mula sa pagkakapikit ay unti-unti kong pilit na idinilat ang namimigat ko pang mga talukap na waring may sariling buhay at nais pa atang matulog sa mga oras na ito. At ng sa wakas ay tuluyan na ngang magising ang diwa ko ay doon ko pa lamang napansin ang babaeng mahimbing na natutulog sa paanan ko. Ilang minuto din ang itinagal ng ginawa kong pagtitig dito bago ko pa ma-realized ang isang bagay. "No! no! patay hindi pwede to mananagot ako! Ng makumpirma ang hinala ko ay walang atubiling hinawi ko ng malakas ang kumot na nakabalot sa aking katawan. Hindi ko na din alintana ang pagkakahulog ni Danica mula sa higaan dahil sa biglaan kong paghatak sa kumot na siya palang nahihigaan nito. Aray ano bang problema mo caffie! Nakahawak sa ulong sabi nito sa akin. Patakbong pumasok na ako sa banyo at may pagmamadaling ginawa ang daily routine ko. Isang mabilisang pagaayos lamang ang ginawa ko at may pagmamadaling lumabas na ako ng kwarto. Nagulat pa ako ng mula sa kusina ay lumabas doon si Ethan napansin ko din ang hawak nitong paperbag at nakangiting inabot niya ito sa akin. Kainin mo yan mamayang breaktime mo ah. Alam kong makakatulong yan sa hangover mo. At tyaka teka ito papala alam ko na nagmamadali ka kaya naman ipinagbalot na lamang kita ng pwede mong makain habang nasa biyahe ka. Para may lakas ka sa unang araw ng trabaho mo. Nakangiting litanya nito sa akin. Marami sana akong gustong itanong kay Ethan. Katulad na lamang kung bakit siya nandito ngaun sa tinutuluyan ko gayong alam ko namang napaka busy nitong tao. Napansin siguro nito na nakatigtig lamang ako sa inaabot nito kaya naman ito na mismo ang nag kusang ilagay ang mga ito sa kamay ko. Nagulat pa ako at mag react sana ng may maalala ako. Kailangan ko ng umalis Ethan! Nagmamadaling lumabas na ako ng pinto ng condo ko pero bago pa ako tuluyang makaalis ay isang mabilis na lingon ang ginawa kay Ethan. Thank you dito Ethan. And by the way bagay sayo ang apron ko. Bye! Hindi ko na hinintay ang magiging sagot nito at ituloy ko na ang pagalis ko. Narinig ko pa ang pagtawag ni Danica sa akin na mukang gaya ko ay ngtataka kung bakit pag gising namin ay nandito na nga kami sa unit ko gayong ang huli kong natatandaan ay nasa bar kami. Sapalagay ko naman ay wala na akong nakalimutan pang sabihin kaya naman maiwan na kita dito Ms.Caffie kung may kailangan ka ay wag kang mahiyang magtanong sa akin." Thank you Ma'am shiela" Ngumiti naman ito sa akin bago muling nagpaalam nababalik na sa opisina nito. At ng tuluyan na ngang nawala ito sa aking paningin ay tyaka ko pa lamang nagawang pasimpleng hinawakan ang aking nuo at bahagyang hinilot ito. Ramdam ko pa ang bigat ng aking pakiramdam gawa ng ininom kong alak kagabi. Naiinis ako dahil sa naging kabayaan kong malasing kung kaya naman ay kamuntikan na akong mahuli sa tamang oras ng pagpasok ko. Ito pa naman ang unang trabahong napasukan ko kaya naman pinaghandaan ko talaga ito. Ngunit ng dahil na din sa magaling kong kaibigan kaya ito nga't ang bigat-bigat ngaun ng pakiramdam ko. Hindi ko naman magawang magalit dito sapagkat sa aming dalawa alam kong ako ang dapat ang aalay dito. Pinilit kong alalahanin kung ano nga ba ang nagyari kagabi ngunit mas lalo ko lamang naramdaman ang bigat ng ulo ko. Mainam na tanungin ko na lamang si Danica at Ethan mamaya pag uwi ko" Pabulong kong kinausap ang aking sarili ng maudlot ito ng may magsalita sa aking tabi. At ng lingunin ko ito ay isang babae at dalawang lalaki ang bumungad sa akin. Salitan kong tinignan ang mga ito at napansin ko naman na mukang mababait ang mga ito dahil bukod sa nakangiti ang mga ito sa akin ay napansin ko ang isa sa lalaki nakahawak sa kanyang batok na waring nahihiyang tumingin sa akin. Napansin ko naman agad na tulad ng id na suot ko ay halingtulad din ng kanila kaya naman malinaw sa akin na isang departamento lang ang aming pinapasukan kaya naman ngumiti na din ako sa mga ito at ako na mismo ang unang nagpakilala sa mga ito. Nakakahiya naman pala kay Ethan kung bakit naman kase nalasing tayo kagabi. Kaya naistorbo pa tuloy natin ang tao." Dahan-dahang tumayo si Danica mula sa pagkakahiga sa sofa. Hindi na ako nagtaka na nandito pa din siya sapagkat hindi namn ito ang unang beses na nalasing kami at dito siya sa unit ko nagtatanggal ng hangover niya. Nandito kami ngaun sala at kumakain ng mga iniwang pagkain ni Ethan para sa amin. Hayaan mo nga siya bes pabor naman sa kanya ng tawagan ko siya no! Tsk! naiinis lang ako lalo sa kanya sa tuwing naaalala ko kung paano siya tumingin ng masama lalo na kay papa calyx kagabi. Akala mo ba'y pagmamayari ka niya! Napabuntong hininga na lamang ako at hindi na muling nagkomento pa. Dahil kilala ko naman itong si Danica alam ko naman na umaasa pa din ito na mapansin ni Ethan kaya naman alam ko na sa oras na magkomento pa ako ay susumpungin na naman ito ng selos at baka magtago nanaman ito sa akin. Pero bes grabe ang hot mo talaga kagabi ah. Habang nag shake shake ka ng drinks para kay papa Calyx. Nakita mo ba kung paano mainggit sayo ang mga babae kagabi dahil diyan sa kayaman mong sumasabay din sa shake shake "hahaha" Pilit ko naman inalala ang kaganapang iyon kagabi. Natatandaan ko pa kung paano halos matulala sa akin ang lahat dahil sa bawat ingay na nanggagaling sa musica ay siya naman din kumpas ng aking kamay. Natatandaan ko din ng sabay sabay na tinungga ng limang lalaki ang inilapag ko alak na ako mismo ang gumawa. madami pang naging ganap alam ko pero sadya nga atang naparami ang nainom ko kaya naman madami ang hindi ko maalala ng maayos. Bes dito muna ulit ako matutulog ah. Sabay na din tayo pumasok bukas hatid mo ako. Thank's! Naputol ang balintanaw ko ng muli ay magsalita si danica na ngaun ay kumakain nanaman. Tumango na lamang ako hudyat ng pagpayag ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD