Kabanata Anim

1016 Words
Hay sa wakas break time na!" Gutom na talaga ako" Caffie tara sabay kana sa amin nila Migo at Acel mag lunch.!" Hindi na ako nagtaka ng malingunan ko na nasa tabi ko na nga ang tatlong kong bagong kaibigan. Natutuwa talaga ako dito kay Karen. Dahil simula ng makilala ko ito ay madalas na kung imbitahan ako nitong sumabay sa kanila mananghalian. Isang linggo na rin ang lumipas simula ng mamasukan ako bilang secretarya ni miss shiela dito sa "MC". Gaya ng inaasahan ko ay hindi naging madali ang lahat. Dahil bukod sa ito ang naging unang trabaho ko ay maselan din sa pagbibigay ng utos ang CEO ng kompanyang pinapasukan ko. Kaya naman sobra ang pagiingat ang ginagawa ko. Tumango naman ako sa tatlo at inayos na nga ang gamit ko. Tara na at nagugutom na rin ako." Pagyakag ko na sa mga ito at doon nga'y sabay-sabay na kaming apat na lumabas sa kung saan ang area namin. Kasalukuyan na kaming kumakaing apat ng biglang umaligawgaw ang cellphone ng taong katabi ko. Yes maam.. " opo magkakasama po kami". Po? ngaun na po... Cge... cge... po pupunta na po kami". Sabay-sabay kaming tatlo na bahagyang napahinto sa pagkain at takang tumingin sa gawi ni karen. Caffie hindi ka daw matawagan ni miss shiela." Kaya sa akin na siya tumawag". Nang kinapa ko nga ang cellphone ko ay wala nga ito sa bulsa ng blaiser ko. Kaya malamang na naiwan ko ito sa table ko. Tumango lamang ako kay Karen at naunawaan niya naman agad ako. Ngumiti muna ulit ito sa akin bago itinuloy ang naudlot nitong sasabihin. Guys mamaya nanatin ituloy ang pagkain. Mukang kailangan tayo ngaun ni ma'am shiela sa opisina niya." Nang marinig ang sinabi ni Karen. Ay walang salitang namutawi sa aming tatlo. At agad din naman kaming nakarating sa harapan ng opisina nito. Isang katok lamang ang ginawa ni Migo at tuluyan nga ng buksan niya na ito. Agad namang sumenyas sa amin si maam shiela na pumasok na kami ng tuluyan sa loob. Please seat down. " Tumalima naman agad kaming apat. Nang tumayo na rin si ma'am shiela at maupo sa bakanteng upuan na nakaharap naman sa amin. Nakaramdam ako ng bahagyang kaba dahil mukang importante nga talaga ang dahilan kung bakit ngaun ay nandito kami. Okay... siguro ay nagtataka kayo ngaun kung bakit ay biglaan na lamang ng ipatawag ko kayo." Saglit muna ng huminto ito sa pagsasalita ng may iabot itong papel sa bawat isa sa amin. At ng tignan ko kung ano ang nakasulat dito ay ganun na lamang ang pagkabiglang naramdaman ko. Yes' alam kong nakakabigla ngunit yan ang utos sa itaas. Sila ang pumili sa grupo niyo migo upang mag present ng business proposal sa "R&X COMPANY"..At kung nagtataka ka caffie bakit nakasama ka sa kanila pasensya kana dahil ako ang mismong nag rekominda sayo." Magsasalita sana ako ngunit hindi ako binigyan ng pagkakataon ni ma'am shiela ay muling nagsalita ito. Alam kong bago ka pa lamang ngunit nakita kong may potential ka pagdating sa ganito." Nagtataka naman ako ng biglang may iniabot ito sa akin at ng tignan ko iyon ay kunot ang nuo akong napatingin dito. Sapagkat nagtataka ako kung saan at paano dito napunta ang sketch book ko. Pasensya kana kung nagawa kong pakealam ang bagay na iyan nung minsang hindi sinasadyang maiwan mo yan dito sa opisina ko at ng dahil diyan ay nagkaroon ako ng idea na may talent ka pala sa pagdedesenyo. Kaya naman napagdisisyunan ko na ikaw ang tatayong ako sa project na ito. Kaya naman umaasa ako sa kakayanan mo at ng magiging grupo niyo." Kaya ngaun pa lamang ay binabati ko na kayo.." Lutang pa din ang isipan ko hanggang ngaun. Hindi ko alam kung sa paanong paraan natapos ang naging usapan kanina sa opisina ni ma'am shiela. Basta ang alam ko na lamang ay tuwang tuwang ang tatlong kong kaibigan sapagkat sa loob ng Labing limang araw ay kami ang magiging magkasama. Ano ba kase ang nangyari sayo kanina caffie.... Bakit hindi ka manlang gumawa ng hakbang para makatanggi ka." Paano na to...." Sa sobrang frustrated na nararamdaman ko ay hindi ko na napansin ang red sign na nasa harapan ko. Huli na para makapreno pa ako kaya madiin na lamang akong napapikit at kasunod noon ay ang malakas na pagsalpok ng sasakyan ko. Sh**t.. Sh**t.. Napakapa ako ng mabilis sa aking katawan at nang malamang maayos naman ako ay doon pa lamang ako natarantang lumabas ng sasakyan. At ganun na lamang ang pagkabiglang naramdaman ko pakatapos makita ang katangahang nagawa ko. Agad naman akong umikot sa harapan at kinakabahang kinatok ang taong nagmamaneho ng sasakyang na nabangga ko. Sumagot ka Danica!" kung kelan kailangan kitang babae ka tyaka ka hindi matawagan!" makailang ulit ko ng sinubukang tawagan si Danica ngunit hanggang ngaun ay hindi pa din nito magawang sagutin ako. Please Danica!" Naiinis na muli kong kinatok ang bintana ng sasakyang nabangga ko. Ngunit gaya kanina ay mukang wala pa din balak na pagbuksan ako. Padamog kong binababa ang kamay kong hawak ang cellphone ko. Ano bang problema nito bakit parang baliwala lang dito na may nakabangga sakanya;" Naiinis na humugot muna ako ng isang malalim na hininga at balak na sanang muling katukin ito ngunit nabitin sa ere ang aking kamay nang biglang dahan-dahang bumukas ang pintuan nito. Teka;" ano't hind- Naputol ang dapat kong sasabihin ng mula sasakyan ay lumabas dito ang isang may katangkarang lalaki. Nasa aking palagay ay mayroong anim at dalawang pulgada ang taas. At ng tignan ko ito sa kanyang muka ay ganun na lamang ang aking pagkamangha. Kinurapkurap ko pa ng makailang ulit ang aking mga mata upang mas mapagtanto ko lamang lalo na hindi ako dinadaya ng aking sariling paningin. Ito ang calling card ko;" Pagusapan na lang natin kung paano mo mababayaran ang damage ng sasakyan ko;" Hindi ko alam kung gaano na kalayo ang narating ng isip ko. Nagulat na lamang ako ng mahinang pinitik ng lalaking kaharap ko ang nuo ko't may inilagay na maliit na papel sa kamay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD