Araw ng lunes. Maaga silang nagising nina Alicia at Ranne. Unang araw ng pasok nila sa may Sugar and Spice Memorabilia kaya kailangan nilang maagang pumasok. Kahit na ba kilala nila ang may-ari ay 'di sila pwedeng ma-late. Kilala pa naman si Octavo sa pagiging perfectionist at strikto pagdating sa oras ng trabaho. He demands every one to be on time. Nag-almusal muna silang dalawa bago nagpasiyang sabay na maligo. Pagkatapos nilang maligo ay nagpasiya na silang magbihis. Inilabas ni Alicia ang pinadalang uniform sa kanila ni Leonila. At parang gustong umatras si Ranne nang makita ang estilo ng uniform. It was a blue blouse with a sweetheart neckline and circular flounce sleeves matched with a pencil cut skirt with a slit on the side. "Isuot mo na," himuk ni Alicia, at agad na isinuot

