"Kamusta na po kayo, Tatay?" tanong ng doktor sa ama niya. "Nahihirapan pa bo kayo sa paghinga? Naninikip pa ang dibdib?" "Hindi na ho," mabilis na sagot ni Kanor. "Ayon sa mga lab test ninyo ho sa dugo at ihi, ay wala na ho kayong infection, Tay," nakangiting balita ng doktor kay Kanor. "Subalit kailangan ko ho nating hintayin ang resulta ng repeat ECG, 2D écho test at CT scan ninyo. Kapag okey na ho ang mga iyon. Makakalabas na kayo sa makalawa. Kaya lang mahigpit kong ipinagbabawal ang pagbalik sa trabaho. Kailangan ho ninyong magpahinga ng ilang buwan. May SSS naman ho kayo 'di ba?" "Oho, Dok." "Pwedeng i-file ninyo ito. Magpakuha po kayo ng form nang makapag-file na kayo ng Sickness sa SSS," wika pa ng doktor. "Sige, maiwan ko na muna kayo. Kailangan ko pang tignan ang iba kong pa

