Maaga nagising si Nestor para gawin ang inuutos ng kanyang amo. Mabuti na lang at ibinigay ni Nay Loling sa kanya ang number ng asawa ni Mang Knor na si Aling Flora. Hindi na siya mahihirapan hanapin kung saan naka-confine si Mang Kanor. Mabuti at ipinahiram sa kanya ng amo ang isa nitong kotse para hindi na daw siya mag-abang ng taxi. Pero bago siya tumungo doon, dumaan siya muna sa isang convenient store. At kumuha ng ilang groceries para sa kay Mang Kanor. Pagkatapos ay tumunngo naman siya ng palengke para bilhan ito ng sari-saring prutas. Nang makompleto niya bilhin ang lahat ng bilin ng amo ay agad siyang nagmaneho diretso ng hospital kung saan naka-confine si Mang Kanor. Nang marating niya na ang nasabing hospital ay agad siyang tumungo ng billing section para kausapin ang naka-a

