Gabi na subalit maalinsangan pa, kaya ang mag-asawang Kanor at Flora kasama ang kanilang anak na si Rocky ay nasa terasa pa ng kanilang bahay at seryosong nagkwe-kwentohan. "Si Ranne ba 'yan?" tanong ni Flora, at masusing tinitigan ang babaeng may dalang maliit na travel bag. "Oh, so Ranne nga!" masayang sabi ni Rocky, at agad na sinalubong ang bunsong kapatid. Agad na nagmano si Ranne sa kapatid. "Oh, bakit parang pinagbagsakan ka ng langit ang Babea ko ah?" tudyo ni Rocky nang mapansin ang hindi maipinta na mukha ng kapatid. Ngumuso si Ranne. "Mamaya na tayo magkwentohan, Kuya," sabi niya lang, at mabilis na ngumiti ng makita ang magulang na nakaupo sa may terasa. "Magandang gabi ho Nay, Tay," bati pa niya, at agad na nagmano sa mga magulang. "Kaawaan ka ng Diyos, Anal," sabi ni

