Nagising siyang parang binibiyak ang kanyang ulo. Napamura siya at napapikit nang magtama ang sikat ng araw sa kanyang mata. Sino kaya ang tarantadong nagbukas ng kanyang bintana?, banas na tanong niya. At nang maalala niya na siya pala ang salirin ay napailing lalo. Oo nga pala, sinadya niyang binuksan kagabi ang bintana dahil hindi siya halos makatulog ng maayos. His eyelids were heavy but his eyes won't cooperate. Na kahit anong pilitin niya ang saliri na matulog ay ayaw makisama ng kanyang diwa. Dagdagan pa ng kanyang isipan na nakikisama din sa kaguluhan na ginawa ng kanyang puso. Nakailang beses ba siyang nagpabangon-bangon kagabi dahil sa pagkabalisa? Hindi lang 'yon, naiinis siya sapagkat sa tuwing ipipikit niya ang kanyang mata, tanging magandang mukha at matamis na ngiti ng i

