Gusto nilang maligo ni Alicia sa may swimming pool pero naalala ni Ranne na wala pala silang damit na dala. Kaya agad niya na hinanap ang kanyang ina para sana ipalaam na aalis sila nina Aliica at pupunta ng palengke. Nasa pasilyo siya ng salas nang may narinig siyang bulong-bulongan ng ibang maids. Hindi niya sana pakikinggan dahil wala siyang ugali na makinig sa usapan ng iba saka ano ba ang paki niya. Subalit nagpantig ang tenga niya ng marinig ang huling sinabi ng isang katulong. "Basta ako mas maganda pa din at class si Ms.Yanie tignan kumpara sa isang babaeng iyan. Dugyot na mukhang gold digger pa." Umubo siya ng peke para ipaalam na ang kanyang presensiya. Lahat napabaling sa kanyang gawi. Halos nawalan ng dugo ang babaeng nagwika. Ngumiti lang si Ranne ng pagkatamis bago mag

