SAMANTALA ABALA SI OCTAVO sa pakikipag-usap kay Goirdano at Zach. "So ano itong sinasabi ni Roch na may may ibinabahay ka na lalaki?!" pilyong tanong ni Zach sa kanya. Napabaling si Gior sa kanya. "Don't tell me you're gay?!" Naningkit ang mata ni Octavo sa galit pero bigla din naalis. "What if I am," seryosong sabi niya. At nais malaman ang nasa isipan ng dalawa. Umatras ang baba ng gwapo at machong si Zach kasabay ng pagsasalubong ng mga kilay nito, "You're giving me a creep, Bro." He moved his gazed sideward, from left to right as if he was searching for something, "Bigyan niyo nga ako ng alak, at nang mabura sa utak ko itong sinabi ni Octavo." "Pass bro," sabi ni Octavo, at tumayo. Bumaling ito kay Gior. "Ikaw, Bro, wala ka bang sasabihin. Unti-unting naging seryoso ang mukha n

