Excited si Ranne na tumungo sa may dinner hall dahil gusto niyang makasalo ang binata sa agahan. Subalit nawala ang kanyang sigla nang malaman niya na wala ang binata dahil may pupuntahan daw ito at ayon sa maid maaga daw ito umalis. Buti pa ang maid ay alam na umalis ito, sabi ng maliit na boses sa utak niya. Dismaya siyang umupo sa may silyang nakaharap sa ina niya. "Good morning, Nay," labas sa ilong niyang bati sa ina na nakatingin sa kanya. "Oh, bakit hindi iyan maipinta ang mukha mo?" usisa ni Nay Flora niya. She pouted her lips. "Si Tavz ho kasi Nay, nakakainis, umalis ng wala man lang paalam," sumbong na wika niya sa ina. "Naku na bata ka," pailing na wika ng ina. "Huwag kang umastang asawa habang girlfriend ka pa lang. Matuto kang lumugar. Saka hindi porke't kasintahan mo

