RANNE P.O.V. Halos nabalot ng kaba ang buo kong katawan nang makita ko na nakalublub si Tavz sa bathtub. May parte ng utak ko na nagsasabi na kumalma lang ako dahil maaari isa lang ito sa mga kalokohan ni Octavo gayunman hindi pa din ako nakakasiguro. Subalit nang makalapit na ako sa bathtub ay halos atakehin ako sa puso dahil maliban sa nakakalublub siya sa tubig ay mayroon din dugong nakahalo sa tubig. Walang akong inaksaya na minuto, mabilis kong hinakbang ang bathtub at pasaklang na sinakyan. Maagap na hinawakan ko ang kanyang dalawang kili-kili at buong lakas siyang inahon. Halos manlamig ako nang makita na halos wala itong malay at maputla ang labi. Nakaramdam ako ng pagkahilo pero sinikap ko na pakalmahin ang aking saliri. Hindi ako pwedeng mawalan ng malay sa ganitong pagk

