OCTAVO P.O.V. NADATNAN ko si Nestor na solong lumalangok ng beer sa may pool area. "Problema mo?" tanong ko, at natawa nang makita ang namumula niyang pisngi. "Mukhang sinampal ka? Don't tell me, it's Alicia?" Sumingkit ang mata niya. "No, comment," sabi niya, at binuksan ang isang bote ng beer saka binigay sa akin. Agad kong kinuha ito mula sa kanya at umupo sa may tabi niya. Biglang sumakit ang tagiliran ko na siniko ni Ranne. "Oh, bakit napangiwi ka? May masakit ba sa'yo, Boss? Don't tell me binugbog ka ni Ranne!" "Siniko, hindi binugbog," pagtatama ko sa kanya, at nilagok ang beer ng diretso. "May pagka-amazona yata ang magpinsan," saad niya, at ininom ang beer na hawak. "Bakit ka ba nasampal ni Alicia? Hinalikan mo ano?" Tumango si Nestor. "Yes, I kissed her torridly. Hi

