CHAPTER 5

1067 Words
Halos aligaga pinagsilbihan si Octavo ng kanyang ina habang kumakain sila. Gusto niya mang sawayin ang ina subalit hinayaan niya na lang. Naunawaan niya na nasasabik lang itong makasama siya sa hapag-kainan. "Kain ka ng madami, Anak," sabi ni Leonila, at ngumiti. "May natira pang hindi naluluto doon sa ref. Ipapadala ko kay Goddy sa bahay mo." Napangiti si Octavo at magiliw na tinignan ang ina. " 'Wag na po, Ma. Wala ding ho magluluto niyan sa bahay. Wala pa ho akong cook. Nasa hospital pa po si Mang Kanor." Tahimik na pinagmamasdan ni Elbert ang kanyang anak. At napansin niya na malaki ang pinagbago nito. Mula sa panananmit nito hanggang sa pisikal na anyo nito. Nakaramdam siya ng habag ukol sa anak. Batid nitang hindi pa rin nito matanggap ang pag-iwan ni Yanie sa kanya. Kahit na ilang beses man nitong pinabulaan at giniit na naka-move on na ito ay hindi pa rin nito.makakaila. Dahil nawala ang dating Octavo na masiyahin at pala-kwento. Maging ang hilig nitong magluto ay nawala din. "Di ikaw na magluto." Pasimpleng paing niya, at tinitinigan ito ng matagal. "You are a good cook. At sa palagay ko nga hindi mo naman kailangan ng tagapagluto dahil dati naman nakakapagluto ka nang kayo pa ni Yanie. Don't tell me nasama sa kanya ang talent mo sa pagluluto?" "Elber! Stop it!," saway ni Leonila sa asawa subalit hindi ito ng patinag "Come on, Leonie. Dalawang taong na ang nakaraan. He should forget her and move on with his life. Hindi naman forever na siyang ganyan. To think that woman might not even bothered by what she did to our son. Baka nga nasa paraiso na iyon. Nagpakasasa sa kandungan ng iba samantalang si Ivo hindi pa makaalis sa impyerno na ginawa niya." Napipilan si Octavo sa sinabi ng ama. Gusto niya magalit subalit may katwiran ito. Kaya imbes na makupagsagotan siya ay nagpakawala na lang siya ng isang marahas na buntong hininga. Hinayaan niya na lang ang ina niya ang makipagtalo dito. "That's not a good thing to say, Elbert. Kahit iyon ang ginawa ni Yanie kay Ivo. Nobody knows kung ano ba talaga ang totoo. Kaya pwede ba 'wag kang magsalita ng kung ano-ano. Remember, walang nakakaalam ng talagang tunay ang nasa liham. Malay mo sinabi niya lang iyon ni Yanie pero ang totoo hindi naman talaga iyon ang dahilan kung bakit umatras siya ng kasal." "Exactly. Pero totoo man iyon o hindi, sinaktan at pinahiya niya pa rin si Octavo at ang ating pamilya. Iniwan niya pa rin ang anak natin. Kaya dapat na matanggap na ni Ivo, na talagang hindi siya ng pinahalagaan at minahal ng babaeng iyon. So he must go on with his life, at kalimutan ito." "It's easier said and done," banas na wika ni Leonila, at pinanlinsikan ng mata ang asawa. "Huwag mo ngang ganyanin ang anak mo, para ka naman hindi nakaranas na umibig! " "Mali ka, Leonie. Umibig din ako. Nagdanas din ako ng labis na kasawian pero hindi ako isang hangal na panatilihing ibaon ang saliri ko sa kamunoy ng kalungkutan. Life has to go on and one has to forget," makahulugang wika ni Elbert habang pinagmasdan ang anak. "At iyon.ang dapat mong gawin Ivo. You have to accept that there's is no turning back. At isipin mo na, hindi ikaw ang nagkulang at nagwalan kundi siya." "Hindi ko alam, Pa, but believe me. I tried," malungkot na sabi ni Octavo. "Then try harder. And please makes it fast. Nang makabalik na ang dating Octavo na anak ko. Kasi hindi lang nagsasabi si Mama mo, but she really misses you son. Walang gabi na hindi siya umiyak at nangungulila sa 'yo. Naunawaan ko na subrang nasaktan ka sa mga pangyayari. Subalit mas nasaktan kami dahil nang hindi ka sinulpot ni Yanie, at lumaho siya bigla ay para ka na ding sumama sa kanyang paglaho. Nawala na ang Octavo na aming anak." Nagulat si Octavo sa pinagtapat ng ama, at nahihiyang tinignan ang mga ito. "Ma? Pa?" "Don't mind your Papa, Ivo," wika ni Leonie sa kanyang anak, at agad naiba ang usapan. "Bibisitahin pala namin si Kanor bukas. Ikaw, kailan mo siya bibisitahin?" Marahas na umiling si Elbert samantalang ngumiti na lang si Octavo. Marahil ay alam nila pareho na sinsadyang ibahin ni Leonie ang usapan. "Inutusan ko na po si Nestor na pumunta bukas. Nagpadala na rin ako ng kaunting tulong. Pero try ko din ho na bisitahin si Mang Kanor." "Mabuti naman," sabi ni Leonie, at napatingin sa kay Octavo. "Kawawa naman si Kanor. Hindi pa siya kaagad-agad na makapagtrabaho. May sakit pa naman ang asawa nito." "Why don't you temporarily hired one of his sons," mukhahi ng ama sa kanya. "Im sure, the doctor will told him to take some rest." "Papa, my company is not for charity cases. Saka wala ng bakante sa Maintenance Department." Elbert looked at his son with dismay. "You're the owner, Ivo. You can create a vacancy if you like." "Yes, Papa, but I can just create one," sabad ni Octavo. "Alam naman ninyo pagdatimg sa employee selection at qualification ay masyadong mataas ang standard ko." "Naku, kumain na nga tayo. Hindi natin pinag-uusapan ang ganyan bagay. Dapat magdiwang at nag-e-enjoy tayo na for the first time after two years, umuwi muli sa bahay ang ating anak." "Dito ka ba matutulog?" "Yes, Pa." "Good," kaswal na saad ni Elbert, at ngumiti. "Thank you, Son. You made your Mama, very happy." After ng dinner, nagpasiya naman silang magkape habang nag-mo-movie marathon lang ang magpamilya. Panay ang yakap at halik ni Leonila sa anak. May instances pa naluluha ito habang niyayakap ang anak. Habang si Elbert naman ay panay ang tudyo sa asawa. At sa kalagitnaan ng kanilang panood ay dagli silang napipilan nang bigla na lang na humingi ng sorry sa kanila si Octavo." "I'm so sorry, Ma, Pa," naiiyak na wika nito. "I'm sorry talaga, kung pati kayo dinamay ko sa aking kasawian. Kung inilayo ko ang aking saliri sa inyo. Kung namuhay ako na malayo sa inyo. Hindi ko ho kayo nais saktan pero it's a way of protecting myself. Kasi sa tuwing naalaala ko ang lahat, parang dinudurog ang aking puso." Buong pagmamahal na niyakap ni Leonie ang anak na lumuluha. "But you forget something, Ivo. Nag-iisa ka namin anak. So your happiness is also our happiness and your sorrows is also ours sorrows."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD