"Nestor! Halika dito," malakas niyang tawag sa kanyang sekretaryo.
Mabilis naman pumasok si Nestor sa kanyang opisina.
Tinignan siya ni Octavo ng matagal bago ito ng wika. "Cancel all my meetings tomorrow. Kung may magtanong tell them may importante akong gagawin na hindi pwedeng ipagliban. Tapos, alamin mo kung saan naka-confine is Mang Kanor. Puntahan mo siya doon at tignan mo kung ano ang maitutulonng ko."
"Sige ho, consider it done," mabilis na tugon ni Nestor, at tinignan ang amo ng may paghanga. Maari sa mata ng iba ay isa itong mapang-alipin na amo pero sa ilang linggo niya na nagtra-trabaho sa amo ay napansin niyang sa kabila ng may pagka-super strict ito pagdating sa trabaho at mahilig magpa-over time, matindi magalit at palamura pero natitiyak niya na mabuti itong tao at galanteng boss.
"Ah, bumili ka na din ng groceries para sa pamilya ni Mang Kanor," sabi pa ng amo, at agad na hinugot ang pitaka sa may likuran bulsa nito. Kumuha ng ilang libo at agad na inabot sa kanya. Ibawas mo na diyan ang gasolina mo. "Pakisabi kay Mang Kanor magpagaling siya agad kung ayaw niyang palitan ko siya."
Napakurap si Nestor. Tama ba ang narinig niya papalitan nito si Mang Kanor.
"Mukhang natigilan ka 'ata? Anong masama doon? Kung hindi na siya makakapagtrabaho ay natural lang na papalitan ko siya. Bibigyan ko naman siya ng separation pay. Hindi pwede magsakripisyo ang isang kabahayan ng dahil lang sa kanya. Hindi din ako pwedeng maghintay na lang kung kailan babalik ang aking empleyado. Hindi ako orphanage. Tandaan mo ito, Nestor, every one is replaceable. Kahit ang pinakamahalagang bagay sa tanang buhay natin," sersyosong wika ni Octavo, at sinara ang drawer ng desk.
Pinili na lamang ni Nestor ang manahimik. Wala din naman silbi kong ipahayag niya ang kanyang saloobin. It will only fall to deaf ears. At mukhang may katwiran din naman ang kanyang amo. May mga bagay nga talagang hindi pwedeng isabahala na lang.
"Mauna na ako. Tiyak na naghihintay na si Mama. Magkita na lang tayo sa makalawa pero i-update mo ako bukas sa kalagayan ni Mang Kanor."
"Sige ho. Makakaasa kayo."
Mabilis na lumabas si Octavo sa kanyang opisina. Diretso siyang naglakad patungo sa kanyang private lift. Pinindot niya ito para bumukas. Dagli siyang pumasok dito at sa hindi niya alam ay parang biglang nanikip ang kanyang dibdib nang biglang siyang maalala.
Alaala... na humihiwa sa kanyang puso ng paulit-ulit.
He instantly remembered Yanie, his ex.
He let out a curse while asking himself kung bakit hindi niya pa rin niya makali-kalimotan ang kanyang dating kasintahan?
At bakit na lang sumasagi ito sa kanyang isipan nitong nakaraang araw?
Bakit nga ba?
Well, ang private elevator ang isang lugar na kinihihiligan ni Yanie. Dito niya ilang ulit na inangkin ang kasintahan. Basta kapag nasa loob na mismo ng elevator, Yanie will always remove her clothes and seduced him. They will always end up having s*x inside it.
Yanie was such a seductress and wild when it comes to s*x. Lahat na lang yata ng lugar sa opisina ay naging puntirya niya. Maging ang conference room at ang kanyang opisina ay hindi exempted sa kanilang kasabikan sa bawat isa.
Hindi niya din maunawaan pero hinihibang siya nito at pinapapatakam. And he enjoys it, dahil magkatulad lang sila, s*x was their everything.
Kaya lang masyadong mahalaga ang pangarap ng kasintahan kesa sa kanya
Pangarap ni Yanie na maging tanyang na Model. At ito ang lagi dahilan kung bakit ayaw pa nitong magpakasal sila ng maaga at magkaanak.
So he waited eight long years para makumbinse niya ito na magpakasal na sila at bumuo ng pamilya. Finally, she said yes. Subalit kung kailan napapayag niya na ito ay basta na lang siya nitong iniwan sa ere at ipinahiya sa karamihan.
Mabuti na lang at nandiriyan ang kanyang mag kaibigan na laging inaaliw siya at laging sinasamahan sa inuman.
Damn, Octavo, two years na. Freaking two years had passed, bakit hindi ka pa maka-move on?, tanong niya sa kanyang isipan.
At hindi lang iyon, he still gets frustrated and mad whenever he thinks about her.
Kasi nga hindi niya pa din matanggap-tanggap sa kanyang saliri na basta lang siya iniwan ni Yanie at pinagpalit.
Hindi niya hindi namalayan na nakarating na siya sa may ground floor. Agad siyang lumabas ng elevator at agad na tumungo ng front desk.
Halos nataranta ang kanyang mga empleyado sa front desk nang makita siyang patungo dito. Lalo na't halos hindi maipinta ang mukha niya.
"Good evening po, Sir," bati ng isa sa mga front desk staff.
Walang kakibo-kibong kinuha ni Octavo ang telephono na nasa front desk saka tinawagan ang head ng Maintenance and Logistics Department.
"Hernandez, si CEO ito," direktang niyang pagpakilala sa kausap. "Gather all your men tomorrow, dahil gusto kong ipalipat ang private lift sa may likod. And I want you to oversee the relocation. Saka magpa-deliver ka ng bago. Ayokong gamitin mo ang dating lift ko. Make sure na malipat ng mga tao mo bukas ang private nang magamit ko na pagkabalik ko makalawa. Understood?"
At sa lahat ng iyon ay 'Yes, Sir' lang ang sagot ni VP Hernandez sa kanya. Iyon naman ang tanging gusto niyang marinig mula sa kanyang empleyado. Dapat 'Yes Sir' lang laging sagot ng mga ito sa kanya kasi kapag kukuntra pa sila ay baka masigawan at mamura lang sila ni Octavo.
"GOOD, contact the supplier now. Then, kunin mo bukas ang pera sa finance," kaswal lang na sabi ni Octavo at agad na pinutol ang tawag.
Agad na umalis si Octavo at tinungo ang kanyang kotse sa may parking lot. Nang marating niya na ito ay agad niyang binuksan at pinaandar.
Samantalang sa naturang parking lot ay biglang nagkadagulo ang kanyang mga empleyado para masiguro na walang haharang sa kanyang madadaanan.
Nang matiwasay na siyang makalabas ay labis ang pasasalamat ng kanyang mga tauhan.
Habang nagmamaneho si Octavo patungo sa kanilang bahay ay naipalipat na ng kanyang ina na si Leonila ang lahat ng gamit sa may guest room na nasa second floor. Sinigurado na nito na walang bakas ng ano mang bagay na madadatnan ang anak na maaring makapag-alala sa kanya sa dating kasintahan.
Binalaan niya din ang lahat nilang kasambahay na walang sinoman ang magbabanggit ng pangalan ni Yanie.
"Bakit ba kailangan mo pang ilipat ang lahat ng gamit niya sa guest room? Nagsasayang ka lang ng oras, Leonie. Hindi naman mabubura ng paglipat ang lahat ng alaala."
"Alam mo na ang tunay na dahilan, Elbert. At pwede ba makiayon ka na lang, huwag ka ng kumuntra. Dapat nga maging masaya ka kasi after two years, nagkusa umuwi ang bata. Ipaalala mo nga sa akin na bibisitahin natin si Kanor bukas sa hospital."
"Anong nangyari kay Kanor?"
"Ang sabi ni Loling, komplikasyon ng Diabetes nito at may nakitang infection daw sa kanyang dugo."
"Sige, pasyalan natin bukas. Kawawa naman," wika ni Elbert, at umiling. "Mukhang sinasadya mo yatang ibahin ang usapan."
"Hindi ah. Si Kanor kasi ang dahilan kung bakit naisipan niyang bumalik dito."
"Hindi na bata, Octavo. Hindi ba't tatlumpot-isa na siya. Saka kung ganyan ang mentalidad niya, na ayaw niyang maalala si Yanie kaya lumipat siya ng kwarto, 'di kailangan pala nating ipa-renovate itong bahay."
"At bakit?"
"Cause every corner of this house reminded him of Yanie. My goodness, Leonie, natural na sumagi ang dating kasintahan sa kanyang isip. They were a couple for eight long years, sa tingin mo ba basta-basta lang iyon na mabubura? Eh, first love pa nila ang bawat isa."
Napabuntong-hininga na lang si Leonila. "Alam ko iyon. But it's been two years, dapat natanggap niya na ang lahat. Katulad ng pagtanggap natin."
Elbert looked at his wife with knitted brows. "Leonila, para naman hindi ka nagmahal. Hindi basta-basta nakakalimutan ang isang taong minahal mo ng lubos. Iyon ang mapait na katotohanan na dapat harapin ng anak mo. Lalo na sa kaso ng anak mo at ni Yanie ay kasal na lang ang kulang. Not unless, he will meet someone who will capture his heart effortlessly."
Masama tinignan ang asawa. "Hayaan mo na lang si Ivo. Saka huwag na natin pag-usapan si Yanie. She's not worth our while. Mamaya marinig pa tayo ng anak natin, baka bigla pa iyong umalis ng walang paalam, mapupurnada pa ang lahat. Labis siyang minahal ni Ivo subalit subrang pagpahihirap ng damdamin at galit ang ibinigay niya sa ating anak. Na kahit ako ay gusto kalimutan siya ng tuloyan."
"Galit ka pa rin sa kanya?"
"Pagkatapos ng malaking kahihiyan na ibinigay niya sa ating pamilya, siguro nararapat lang na magalit ako sa kanya. Tinanggap ko siya ng walang pag-alinlangan, minahal at itinuring na tunay na anak. Subalit hindi niya pinahalagahan ito."
"Kung makapagsalita ka'y parang santo ang anak mo. Hindi ka naman iiwan ang isang tao kung wala siyang pagkukulang na nagawa. Minsan nga kapag subrang perpekto ang tao ay kaiiwan-iwan din."
Muling masamang tinignan ni Leonie ang asawa. "Anong kalse katwiran 'yan?" singhal niya. "Mas kinakampihan mo pa 'ata ang baliw na babaeng iyon. Anak mo ang iniwan at hindi sinulpot sa altar, Elbert, ipaalala ko lang sa 'yo baka nakalimotan mo!"
Shaking his head, he laughs softly. "Hindi ko pa naman nakakalimotan iyan. Pero kilala mo din ang anak mo. He so close to perfect 'pag dating kay Yanie dati but he's also a controlling one."
"What do mean?"
"Ang ibig kong sabihin, nakakasakal din minsan ang labis na pagmamahal. Saka simula't sapol ay ayaw niyang umalis o mawalay sa kanya si Yanie kahit alam niyang ang pagiging sikat na model ang nais nito. Ilang endorsement offer na ba ang tinanggihan ng bata ng dahil sa kanya? Samantalang kapag dumating sa kanya, Yanie has no say."
Napatingin si Leonila sa may pool area na abot tanaw mula sa kinaroroonan nila ng asawa. At lihim na sumang-ayon ang kanyang isip sa sinabi ng asawa.
Kaya nga kahit paano ay hindi niya makuhang magalit ng matindi kay Yanie.
Kasi alam niya na ang pagiging seloso, demanding at controlling ng kanyang anak ay ang maaring dahilan kung bakit biglang umatras ito sa kasal.