Hindi niya alam kung ang pagiging malagkit niya ang dahilan ng kanyang pagtagal sa ilalim ng shower o' ang pag-aatubili niyang bumalik sa kusina. Kung tutuusin ay tapos naman siyang magluto. Siguro naman ay hindi niya na trabaho ang mag asikaso ng mga bisita. Hahayaan niya na lang na si Nay Loling ang manoblema doon Sinabon niya nang maigi ang kanyang katawan at agad na nagbanlaw. Pagkatapos ay dali-dali niyang pinatay ang shower at binalot ang saliri ng tuwalya bago lumabas ng banyo para magbihis. Sa pangamba na baka ipatawag siya ng amo ay minabuti niyang magsuot ng ilang piraso ng T-shirt, na pinagpatong-patong para hindi masyadong mahalata ang hubog ng kanyangk katawan. Nasa kalagitnaan na siya ng pag-aayos ng biglang tumunog ang intercom sa kanyang kawarto. "Hello?" "Tapos ka

