Halos hindi makakilos at makakain nang maayos si Ranne dahil sa subrang pagkailang niya sa paraan ng pagtitig at pasulyap-sulyap sa kanya ng kanilang masungit na amo. Hindi niya tuloy alam kung ano ba talaga ang trip ng bruhong lalaki. Mas mahirap pa yata i-spelling ang ugali nito kesa sa pangalan nitong Octavo. Hindi kaya may naghalata ito sa kanya? Kinabahan siya bigla, at pasimple na inayos ang kanyang pagkilos. Nagpapasalamat na lang siya talaga na kanina pa siya sinasagip ni Jaxel kundi baka nabuko na siya. "So kamusta naman ang mga alagang baboy mo?" tanong sa kanya ni Jaxel. Naupo siya ng matuwid. "Ayon, malapit ng husgahan," saad niya. "Ibebenta mo?" Matagal siya nitong pinagmasdan. "Akala ko ba pararamihin mo?" Nagpakawala ng hininga si Ranne. "Sana... hangga't sa makakaya

