Nakahinga ng maluwag si Kanor nang makabalik na si Ranne. "Sinaktan ka ba niya?" usisa ni Kuya Rocky niya. "Hindi ho," tanggi ni Ranne. "Nag-usap lang ho kami. Saka may mga nilinaw lang siyang mga bagay." "Sigurado ka?" giit na tanong ng ama niya. Tumango siya at ngumiti. "Sa palagay ninyo papayag akong madapuan ng kanyang kamay? Ano siya siniswerte?! Ni hindi nga ninyo ako pinagbuhatan ng kamay." "Kaya idol kita, Ate. Amazona ang peg!" may paghangang wika ni Alice. "Sorry pala, Ate, muntik na kitang napahamak." Pinisil ni Ranne ang pisngi ng pinsan. "Wala iyon, pero sana 'wag mong ipagkalat na tomboy ako, kasi hindi ako tomboy. Babae ako. Saka ang pagiging babae ay hindi nasusukat sa damit at pagkilos, kundi iyon nasa puso." "Tama na iyan, baka mapunta na iyan sa K-drama!" saway

