Pagkatapos na malaman ni Octavo ang tunay niyang kasarian hinawakan niya si Ranne sa kamay at planong kaladkarin patungo sa may parking lot. Subalit hindi pa siya nakakahakbang ay nagwika na si Kanor. "Huwag mong saktan ang anak ko, Octavo," may pagbabanta sa boses nito. "Paalala ko lang ni minsan hindi pa nadadapoan ng kamay iyan. Kahit ng mga Kuya niya." "Mag-uusap lang ho kami, Mang Kanor," sabi ni Octavo. "Siguradohin mo lang na walang pasa ang pinsan ko sa kahit saan parte ng katawan niya 'pag balik niya dito, dahil 'pag may makita ako kahit gatiting ipapa-hunting kita sa mga kuya niya," babala na sabi din ni Alice. "Kalma lang ho kayo, Tay," wika ni Ranne, at ginagap ang kamay ng ama. "Kaya ko hong pangalagaan ang ating saliri." "Maigi ng nag-iingat anak." "Oo, tama si Uncle,

