Flame Of Lust 04

1047 Words
(FOL) Chapter 04 "Woah! I love it here!" Marie shouted her lungs out. I laughed in her enthusiastic energy. Nasa himpapawid kami at hinihila ng speed boat ang parachute na nakakabit sa amin. "I didn't know ganito pala kasaya mag parasailing! Oh my god Ara! Look at that side!" Tinuturo niya ang mga naglalakihan na kweba at bato na natatanaw mula sa itaas. I usually under the sea kaya naman bago din ang mga ito sa paningin ko. Napuntahan at nakita ko naman ang ibang natatanaw mula dito pero hindi ko naisip na kahit sa malayo ay maganda palang pagmasdan ang mga ito. "Sigurado na ako ngayon na magtatagal ako dito!" She's shouting and slightly moving. Ako naman na medyo takot sa heights ay tahimik lang. Binubusog nalang ang mata sa tanawin kaysa isipin na nasa taas kami at tinatangay ng hangin. Nakababa na kami ay hindi parin siya matahimik sa kakaplano ng gustong mapuntahan. Wala yata siyang planong magpahinga dahil sa dami ng mga tinatandaan niya na pupuntahan. At syempre kasama ako sa lahat ng iyon. She's my guest in the first place so I must tour her around the island. Mabuti naman at naipaliwanag ko na sakanya ang mga nagaganap dito sa isla kaya naman hindi na siya nagugulantang sa mga nakikita. Napapangiwi paminsan at titingin sa akin na tatawanan ko lang. "I saw the bunch of hot guys in that way." She pointed at the left side of the shore. "Basta hot guys ang linaw ng mata mo." "Of course! I am straight, I probably looking for a hot guys, do you want me to look for hot girls instead? What do you think of me a lesbian!?" Umirap siya at inangkla ang kamay sa braso ko. "We are hot ourselves anyway, why should I look for sexy women if it's already in front of me, right?" She smirked. Inuuto nanaman ako. "Yeah right.." I said lazily, we laughed and continued walking towards the shore full of hot guys. Nakakumpol sa malayo ang mga kalalakihan. Mayroon bitbit na alak, ang iba naman ay mayroon mga kausap na babae. "Sa akin iyong moreno!" Marie shrieked. Palapit na kami ng makita ko si Mason sa malayo kasama ang mga kaibigan niya. Nagtatawanan at mayroon mga babae sa harapan. Normally, I didn't participate in every parties here. Kahit pa nga iyong malalaking pary na inoorganisa ng mga may-ari ng isla hindi ko pinupuntahan. Hindi sila nagpapakilala pero sinasabi kung sila ba ang nagpaganap ng party o hindi. No one knows who's the owner of this island. Nakasuot lang ako ng white one piece bikini na pinatungan ng puting manipis na beach cover up dress. Ganoon din kay Marie na black naman. Napalingon sa amin ang ilan na nandoon. Naharangan naman ng ilan taong nadoon ang grupo nila Mason kaya hindi ko na siya natanaw. It looks like a small party. Nag-eemail sila kapag may kahit anong party na nagaganap. Hindi ko naman chinecheck dahil wala akong balak pumunta. I just enjoying the views and activities in the past months of being here. Kaya kung nakatanggap man ako ng invites sa email ay hindi ko alam. "Alright hot ladies and gentlemen! I just wanna get your attention please! Magsilapit po tayong lahat!" Si Riacca ang nasa stage. Half japanese kaya sobrang puti, nakakasilaw tignan kapag nasa arawan. Tumawa ito kaya nawala ang singkit na mata. "Sino dito ang game sa mga palaro?" Nakalapit na kaming lahat sa nakalaan na stage sa harapan. Hindi lang kami gaanong nakalapit dahil mayroon malaking pool na nakaharang. Nagtawanan lang ang iba. Ang karamihan naman ay nagtaas ng mga kamay. Ang ilan ay walang pakialam at umupo lang sa gilid ng pool na nasa 5ft to 7ft ang lalim. "Ayos to! Mukhang game ang lahat!" Hinila ako ni Marie. "Anong gagawin diyan?" Tinuro ni Marie ang nasa harapan na malaking pool. Mayroon mga inflatable floaters doon at sa ilalim ng malinaw na tubig ay makikita ang mga box na hindi namin alam ang laman. "I don't know?" Kibit balikat ko. "Nakikita niyo ba ang pool na ito? Ito ang magiging unang game niyo!" Riacca giggled. "Ang lahat ng box na nasa ilalim ay mayroon mga laman. We will pick ten men and ten women sa inyo para maglaro." "Ano ang premyo sa mananalo?" Tanong ng babae sa gilid ko. "Syempre hindi ko makakalimutan ang premyo. The price is one night with..." Tumingin siya sa mga nandoon sa harapan. Nanlaki ang mata nito at lumaki ang ngisi sa labi. "...Eleanor and Mason!" Nanlaki ang mata ko at hinanap ng tingin si Mason. Nakaupo ito sa pinakagilid ng pool, tahimik at mukhang nagtatago pero nakita parin. Umiling lang ito at tinungga ang hawak na alak. Si Eleanor naman na naka red bikini ay tinulak ng mga kaibigan nito, pabirong inaasar at tinatawanan. "Hala Ara! Sumali ka!" Nilingon ko si Marie. Hindi makapaniwala sa sinabi niya. "Nababaliw kana ba?! No!" "Pagkakataon mo na ito ano ka ba! Akala ko ba type mo iyan?" "Oo. Pero hindi mo ako mapapasali sa mga games! No way!" "Ngayon naman ay pipiliin na natin ang Lucky twenty." Napatingin ulit ako kay Riacca na nasa stage. Nakapamewang ang isang kamay nito at iniikot ang tingin sa mga tao sa harapan. Maraming babae at lalaki ang nagvovolunteer pero hindi naman niya tinatawag dahil siya daw ang pipili. Nakapamewang lang ako at hindi pinapakinggan si Marie na nasa gilid ko. Marami na ang napili ni Riacca dalawang babae nalang ang kulang. Nagkakagulo na dahil nagtutulakan na ang mga babae at nagtataas ng kamay para maisama. Nanlaki ang mga mata ko ng maitulak ako ng babaeng nasa likuran. Napahinga ako ng malalim ng hindi naman ako nahulog sa pool. Nag-angat ako ng tingin at nakita si Mason na madilim ang tingin sa akin. Nakatayo na ito at nakapamulsa sa beach short na suot. "Oh wag magtulakan! Isa nalang!" Natawa si Riacca sa mga agresibo na babae. Iniwas ko ang tingin kay Mason. Nakatalikod na ako sa stage para sana makaalis ng magtulakan ulit ang mga babae. Napaatras ako at sa pagkakataon na iyon ay hindi ko na napigilan ang pagkahulog sa pool. Napatili si Marie kaya natigil ang mga babae sa pagtulak. "What the hell!" Tinignan ko ang mga babae na nagtulak sa akin. Great! Ngayon basang basa na ako! "Ikaw!" Si Riacca ulit sa stage. Napatingin ako doon at nakita na nakaturo siya sa akin. "What?" Tanong ko. "Ikaw! Ikaw ang pang-sampo sa mga babae!" "What?!" Mas malakas na tanong ko. Umawang ang labi ko at gulat na nakatingin sa kanya sa stage.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD