Flame Of Lust 05

1120 Words
(FOL) Chapter 05 "Sandali lang! Hindi ako sasali!" Tutol ko. Shock registred on Riacca's face. "Huh? Ayaw mo?" Umiling ako. "Ayoko. Iba nalang." Lumangoy ako papunta sa hagdan para makaahon na sa tubig. Nasa side ni Mason ang pinakamalapit na hagdan kaya doon ako nagtungo. Nasa pang huli na ako na baitang ng harangan ako ni Mason pero nakay Riacca ang tingin. "Start the game." His raspy voice almost turned my knees into jellies. I really want him. But not this crazy game! I don't chase boys, pagkatapos makikipagpaligsahan pa ako para sa isang gabi ng lalaki? No! Kahit gaano ko siya kagusto hindi ko sinabi sakanya. Tinatanaw ko pero hindi ako kagaya ng ibang babae na hinahabol siya at halos mga maghubad na sa harapan niya. "Alright! Let's start the game!" Sinenyasan nito ang mga kasama sa stage para ayusin na ang mga napili. Nasa likod ko si Mason ng hawakan ako ng isang babae na inutusan ni Riacca. "Wait! Hindi nga ako sasali! Nahulog lang ako sa pool hindi ako nagvolunteer!" Paliwanag ko. "Sige na Sahara!" Bumaba sa stage si Riacca at siya na ang humila sa akin. Kilala ako ng karamihan dito sa isla dahil marami na akong nagamot sakanila kapag may mga minor accident na hindi maiiwasan. "You know I don't play games!" "Okay lang yan. Ngayon lang naman." Nakahilera na ako sa mga babae na kasama sa laro ng ngisian niya ako at bitiwan. Kumaway sa akin si Marie na inirapan ko lang. "Listen boys and girls! Sa bawat kahon na iyan ay mayroon laman na susi." She stopped talking, kinuha niya ang isang posas at susi na nasa lamesa ng stage. "Ganito ang design ng susi na hahanapin niyo! Tignan niyo ng mabuti!" Lumapit ng bahagya ang mga babae na kasama sa laro, ako lang ang nanatili at hindi kumilos. Ang nakita ko lang ay heart shape ang susi, naiiba sa ibang susi ng posas. I hate this! Napanguso ako. Nagsimula na ang laro at nauna ang mga lalaki. Kulay blue ang box ng mga lalaki. Ang sa babae ay pula. Ang susi din ay kulay pula na heart. Sa lalaki naman ay blue na heart. Nag-ingay ang mga lalaki ng makuha iyon ni Calum. Nakangisi itong lumapit kay Eleanor na nakabusangot. "Girls get ready. Bumaba na kayo sa tubig." Naglakad na sila papunta sa pool. Wala akong nagawa kundi ang sumunod. Nang bumaba sila at humilera sa tubig ay ganoon din ang ginawa ko. Nag go signal si Riacca at mabilis nagsilangoy ang mga babae para hanapin ang susi sa ilalim. Hindi ako kumilos. Nanatili ako sa gilid at nag-iisip kung gagayahin ba ang mga babae na nakailang ahon na para kumuha ng hangin. I heard Marie's voice calling me and encouranging me to find the key. Wala akong balak makisali. Ayokong isipin ni Mason na gusto ko siyang matikman kahit isang gabi lang. I am not desperate to do that. I prefer to seduce him and make him crave for me not the other way around. "Move Sahara!" Riacca shouted. Tumingala ako sa stage at nakita doon si Mason. Kanina si Eleanor ang nandoon. He's gritting his teeth. Masama ang tingin sa akin. Nahiwalay ang tingin ko sa kanya ng hampasin ako ni Marie sa likod. "Ano ba! Kumilos ka na!" "I already said no!" Masama na ang mood ko dahil sa game na ito. "Bakit ba? Ang arte mo! Baka may iba nang makakuha!" Umirap lang ako. Hindi na sumagot. Nabalik ang tingin ko sa stage. Kunot noo si Mason na nakatingin sa ilalim ng tubig kung nasaan ang mga babae na naghahanap ng susi. "Sahara!" Sigaw ulit ni Riacca sa stage. Umiling ako. Tiim ang labi ni Mason at malamig ang tingin sa akin. "Sige na kahit isa lang na box kumuha ka!" Nag-ingay na ang ibang babae na nanunuod kaya napabuntong hininga nalang ako. Isa pa si Marie na tulak ng tulak sa akin. Sumisid na ako at hindi na nagtagal sa ilalim. Kumuha nalang ng isang pulang box para matapos na at hindi na nila ako kulitin. Pag-ahon ko ay napatingin ako kay Mason ng humakbang ito at bumulong kay Riacca. Tumingin si Riacca sa akin at sa box na hawak ko. "Buksan mo na Sahara! Tignan natin ang laman!" Humugot ulit ako ng malalim na hininga. Ang daming box baka nasa fifty boxes ang pula kaya imposible na itong hawak ko ang may laman ng tamang susi. Binuksan ko ang box at hindi tinignan ang laman agad. Si Marie pa ang unang nakakita. "You got the right key!" Sigaw nito. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at tinignan ang laman ng box. Pulang susi na hugis puso. "Oh my! Nakuha ni Sahara!" Nag-ahunan na ang mga babae. Bagsak ang mga balikat. Umirap pa ang ilan sa akin. "May nanalo na!" Si Riacca. Tinignan ko sila sa stage. Si Mason ay nakapamulsa nanaman habang nakangisi. Nakatingin sa gulat kong itsura. "Sahara! Akyat ka dito sa stage!" May hawak na posas si Riacca. Sinenyasan ako na umakyat doon. Pumikit ako ng mariin at sumunod nalang sa sinabi nito. Pagkaakyat ko ay mabilis nito isinuot ang isang posas sa akin. Ang kabila naman ay sa isang kamay ni Mason. "What are you doing?" Kinuha nito ang susi sa kamay ko "I will keep this key for 24hours." "What?" Nilingon ko si Mason sa tabi ko. Nakatingin lang sa akin at tahimik. Ibinalik ko ang tingin kay Riacca na nagpapaalam na sa mga nandoon at itinuturo na ang susunod na laro. "Get her the key!" Mariin na utos ko kay Mason kahit kay Riacca ako nakatingin. Hindi ko siya matignan. Nanlalambot ako. Ang bilis din ng t***k ng puso ko. Mabuti nalang at hindi mo iyon malalaman sa boses at itsura ko. "This is the game. Hindi niya ibibigay iyon." Nilakasan ko ang loob ko para matitigan siya. Gusto kong mahimatay ng makaharap siya ng ganito kalapit. His deep set eyes staring at me. Wala naman siyang ginagawa pero parang nang-aakit na ang mga mata niya kapag nakatitig sa akin. Agaw atensyon din ang mapulang labi niya. His not paper white like me but his lips were kissable red. "What are we going to do then? Don't tell me we are going to sleep together?" He shrugged his shoulder. "Maybe?" "What? Maybe? No way! Hindi tayo pwedeng matulog sa isang kama!" He smirked. "Why not?" Umawang ang labi ko. Nakatingin siya doon kaya mabilis ko din isinara. "I am with my friend. And I won't let her sleep alone!" "Wala tayong ibang magagawa. We should deal with it." His hard tone giving me goosebumps. Umirap ako. Naglakad siya pababa ng stage kaya nakaladkad din ako. Nilingon niya ako at tinawanan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD