"Ano mag hihilahan pa ba tayo?" Ngisi ni Red ng buksan ang pinto ng penthouse at manatili sa labas ng pinto si Luna na masama ang tingin kay Red. Sa buong biyahe daig pa niya ang estawa sa loob ng artista van nito, walang imik-imik ni lingunin hindi niya ito pinansin. Dinig pa niya ang panenermon ni Kuya Vic sa kabilang linya dahil meron pala itong lakad ngayon araw pero heto at 2pm na sila pa din ang magkasama. Isang maletang katamdaman lang ang laki ang dala niya dahil wala siyang balak na mag tagal sa pent nito, iisip siya ng paraan para ma-void ang kasal nila. Hindi naman maaring ganun-ganun nalang basta nalang silang mag-asawa. Sa buhay walang short cut dapat lahat pinag hihirap, bago mo makamit. Kaya kailangan niyang rendahan ang panty niya na wag bumaba dahil delikado. Nakapag deci

