"Kumusta nga pala, ang career mo Red. I heard na nag babalak ka ng iwan ang showbiz? Tuloy na tuloy na ba." tanong ni Skyler habang ibinababa ang diyaryo na binalingan si Red na tahimik na kumakain. Pero sa ilalim ng mesa may kaguluhan na gaganap, dahil mula pa kanina sila nag sisipaan sa ilalim ng mesa ni Luna na galit na galit dahil sa pang hahalik niya rito ng tumawag si Casper. "Opo, tinatapos ko na lang po yung mga ibang contract ko at mga endorsement." tumango naman si Skyler. "Alam na ba ng agency mo ang tungkol sa kasal mo? Hindi ba magkakaproblema ang contract mo sa kanila." tanong naman ni Cleo na dahan-dahang umiikot ang kutsara sa tasa ng kape. "Sa ngayon po hindi pa and honestly magkakaroon po ng conflict pero as long as kayang itago muna si Kuya Vic na po ang bahala du

