Napadilat sandali si Red pero muli din pumikit na tumihaya ng higa, na nibago ang tenga niya. Sanay siyang na gigising sa umaga na meron ng music na natunog dahil kay Miles na pag dumating sa pent niya may pa music na. Kaya nakakapag taka na masyadong tahimik yung klase ng katahimikan na alam mong delikado kasi kapag masyadong tahimik ang paligid niya, siguradong may mangyayaring kaguluhan. Huminga siya nang malalim saka muling dumilat, unang pumasok sa isip niya hitsura ng kisame na na nasa harapan niya na ikinakunot ng kanyang noo. Hindi niya kisame iyon, kisame ng bahay ng mga Mondragon. Pangalawa ang kama, na makitid at hindi masyadong malambot, hindi rin niya kama iyon. Pangatlo si Luna nakahiga ito sa tabi niya gamit ang iisang unan na hinihigaan din niya, nakatagilid at mukhang ma

