Pumasok na si Raine sa private lounge ng isang branch ng shop niya sa BGC, kabubukas lang ng branch na to dahil yung dating main branch masyado ng maliit para sa kanya. Agad siyang binati ng mga staff at crew niya na naroon ng dumating siya. Naka-setup na ang mesa mood boards, swatches ng tela, sample ng flowers, tatlong iPad, isang laptop, at isang tumbler na may nakasulat na “Stylist ka, hindi ka charity.” Naka-white blazer na may pearl buttons. May hikaw na parang chandelier. Naka-red lipstick kahit umaga pa lang. May bangs na mukhang pinag-isipan ng tatlong stylists bago tuluyang pinutol at loafers na halatang mas mahal pa sa sweldo ng isang junior associate. "Okay goodmorning lovebirds." Relaxed, confident at nakangiting bati ni Raine ng maupo na siya sa harapan ng dalawang bago

