Halos hindi na makahinga si Luna ng pakawalan ni Red ang labi niya. Mahigpit ang hawak ni Red sa pulsuhan ni Luna,hindi lang para pigilan siya, kundi parang doon na lang kumakapit ang natitirang pasensya niya. Ang mga mata niya’y punong-puno ng pagnanasa na nakatingin kay Luna at sa mga oras na ito.Wala ng ibang laman ang utak ni Red kundi ang gutom, pangangailangan at galit na nagsasanib, parang apoy na matagal nang naghihintay ng pagsabog. Hindi na niya kayang umatras ngayon hindi na niya kayang pigilan pa ang nararamdaman. Lumaban si Luna, pilit na nag pumiglas na at nakawala ang isang kamay nito na kinalmot ang braso ni Red, pero hindi man lang dumaing si Red na muling hinuli ang kamay ni Luna at parehas ng dinala sa likuran ng asawa bago mabilis siyang humakbang at inipit si Luna sa

