Hindi alam ni Luna kung paano siya nakarating sa unit niya. Pagpasok niya sa condo, bitbit pa rin niya ang speaker na parang trophy ng kahihiyang nagawa niya na kahit aksidente lang yun parang di kinakaya ng universe niya. Pawis na pawis at ramdam niya pa rin ang init sa pisngi niya habang naaalala kung gaano kalambot ang labi ni Red.
"Hala! Hala! Hala!" tili pa ni Luna na parang kinukuryente na napapapikit habang parang nag jojogging sa iisang puwesto. Saka tuluyan tumakbo sa kuwarto niya na bumagsak ng upo.
“Luna Mondragon, congratulations,” bulong niya sa sarili saka bumabagsak naman ng higa na nakatulala sa kisame niyang maraming glow in the dark.
“You just kissed the country’s most talked-about actor. Yummy Luna! Yummy ahhhhhhhhhhhhh! Kainis..." sigaw pa ni Luna saka pinaghampasan sa unan niya ang mukha.
“Aaaaah! Sana lamunin na lang ako ng lupa! Sana hindi na lang ako naging tao... sana isa na lang akong magandang halaman." muling nagtitili Luna na dinukot pa ang cellphone ng tumunog iyon ng tingnan niya si Red ang nag message may send na link na binuksan naman niya na muling ikinatili ng malakas ng dalaga at para ng bulateng nilagyan ng asin sa ibabaw ng kama nya. Dahil she just kiss Red on his live streaming at ngayon it goes viral.
-
-
-
-
-
Panay ang tawa ni Red nakaupo sa sofa, hawak ang cellphone, hindi siya maka move on. Hindi lang basta tawa ang ginagawa niya basta tuwang-tuwa talaga siya na paulit-ulit na pinapanood ang accidental kiss na yun.‘Yung tawa niyang may halong disbelief at amusement. Lalo na habang binabasa ang mga comment sa live stream na parang kalsadang binuhusan ng gasolina.
"OMG!!! Sino ‘yung girl?! So cute!!!”
“Accident my foot. That was a full-on kilig moment!!! Sinadya ni Ate girl.”
“She's Luna the new PA. Ship name suggestion: #RedMoon.”
“Unprofessional naman nung babae. Publicity stunt ba ‘to?”
“Grabe, live pa talaga nangyari ‘to. HAHAHA!”
"Style mo girl, bulok bumenta na yan."
"Ang cute ni girl? is she a minor."
Habang binabasa ni Red ang mga komento, hindi na niya mapigilan ang ngiti. Hindi siya galit—hindi rin siya inis. Sa totoo lang, tuwang-tuwa siya sa kinalabasan ng live stream niya na sa loob lang ng 2 hr 2.3 million views agad.
“Teenage dream, ha?” bulong niya, pinindot ang replay ng live. Lumabas ulit sa screen si Luna, todo bigay sa pagkanta habang umiikot sa sala niya at parang kawayan na isinasayaw ng bagyo ang pag galaw ng katawan nito.
“You make me feel like I’m livin’ a teenage dream…” Napaikot ni Red ang ulo niya sabay tawa.
“Ang kulit mo talaga, Luna.” ani Red na mahinang kinanta ang kinanta ni Luna. Napalingon pa si Red ng marinig na bumukas ang pinto niya at pumasok si Kuya Vic na may bitbit pang dalawang coffee.
"Ang ganda ng ngiti mo ngayon ah! Mukhang masarap ang tulog mo kagabi." puna nito ng lumapit sa kanya at inabot ang kape. Mukhang hindi pa nito na papanood ang viral video nanaman nya, kung napanood nito tiyak magbubunganga nanaman ito.
“Anong pinapanood mo?” tanong nito habang naupo sa tabi niya at ipinaalala ang concert tour niya sa America next month.
“Wala,” mabilis na sagot ni Red pero hindi itinago ang phone na tuloy ang basa niya sa mga comment. Bigla naman lumapit si Vic, sumilip sa screen—at ayun na nga, nakita rin ang eksenang “The Kiss.” bigla lumabas ang kabaklaan nito sa lakas ng sigaw.
“Pambihira, Red!” Halos mabitawan ni Kuya Vic ang kape.
“LIVE ‘YAN AH! Nakita ng buong internet!”
“Alam ko,” sagot ni Red, kalmado pero may ngiting hindi maalis.
“Ang galing nga eh. Walang script, walang rehearsal, pero trending agad.”
“Ano ka ba! Anong nakakatawa d'yan? Skandalo nanaman yan! Lalo kang pag-uusapan n’yan! Hindi pa nga nahupa yung tsismis sa'yo na ginawa ni Luna, tapos ngayon yan naman si Luna nanaman."
“Eh ‘di pag-usapan,” sagot ni Red sabay tiklop ng cellphone.
“Sanay na ako sa trending. Pero ngayon, at least masaya ‘yung dahilan.” Tumaas lang ang kilay ni Kuya Vic.
“Masaya? Eh ‘di ba dapat galit ka? Baka sabihin ng management publicity stunt ‘to.”
“Hayaan mo na. Ako na bahala. At saka…” ngumiti si Red habang tumingin ulit sa video thumbnail na ngayon ay tinitingnan na ni Kuya Vic sa tablet nito.
“…mas gusto ko nang ganitong issue kaysa ‘yung puro negative. For once, I actually laughed.” Hindi na kumibo si Vic, pero bakas sa mukha nitong gusto siyang sermunan.
“Red, you’re unbelievable,” buntong-hininga nito.
“Sige. Magpahinga ka muna. Asan ang babaeng yan?"
"Her name is Luna, Kuya Vic." pagtatama ni Red.
"Whatever! Wala na siyang nagawang tama at hindi ko alam kung paano mo yun natitiis knowing your mood. Dyan ka na muna kailangang may gawin ako. Sigurado akong kakalat ‘to sa lahat ng news outlet mamaya lang." wika nito saka nag mamadali ng umalis.
-
-
-
-
Pumutok sa lahat ng entertainment sites at social media platforms ang headline na nag papangiwi kay Luna. Kanina pa siya sakay ng kotse niya at nasa basement parking na siya ng building ni Red pero hindi na siya nakababa. Hindi na siya nakapasok kahapon nag dahilan na lang siya kay Red na sumakit ang tiyan niya, buti na lang hindi nangulit si Red na nag thumbs up lang. Napasubsob siya sa manibela na nakatingin sa mga binabasang headline.
“RED ORTEGA’S MORNING KISS—WHO IS THE GIRL?”
“ACCIDENTAL OR INTENTIONAL? LIVE STREAM GOES VIRAL!”
“RED ORTEGA, HEART FLATTERS, THANKS TO HIS NEW MYSTERY GIRL!”
Habang tinitingnan ni Luna ang phone niya, halos di na niya malaman kung matatawa o maiiyak na lang talaga. Ang dami niyang missed calls mula sa Editor-in-Chief ng MetroBeat, pati sa mga kaibigan, kamag anak at sa mga nakakakilala sa kanya, walang tigil sa pag-text.
“Girl!!! Ano ‘tong chismis?! Kayo ni Red Ortega?! LIVE PA TALAGA?” basa pa n'ya sa text ni Ivory pero agad din niyang binura at di ni replyan. Muling tumunog ang cellphone niya.
"Grabe! Ang cute n’yong dalawa! Naku marami akong kilala na they're started with a kiss." napangiwi naman si Luna. Aaminin niya na guguwapuhan talaga siya kay Red and yes crush na din niya ito noon pa, pero like hello hindi naman siya para mangarap ng isang artista. Ang artista ang pinaka ayaw niya sa lahat ng profession dahil ang artista mahirap gawin private ang buhay lalo na at sikat ka talaga, malabong mangyari yun.
Saka pag artista parang may linsensya kang mag cheat na para bang pinapayagan mo ang mahal mo na harap harapan kang lokohin kasi nga artista at walang malisya ang halik, yakap ng mga nagiging ka love theme. Ilang viral na bang mga artista ang nabasa niya ang article na nahuhuli na magkasama sa iisang hotel. Pawang may mga asawa na ang karamihal at para wag masira ang image ng artista pag tatakpan ng management at palalabasin na kung ano-anong alibi para lang ilusot na malinis ang konsensya ng mga alaga ng mga ito.
In other term masalimuot ang mundo ng showbiz kaya kung mag jojowa lang din naman siya titiyakin na nyang ibang profession. Dahil oras na mahuli mong nakikipag halikan sa ibang babae break agad. Hindi tulad sa artista mapapanood mo pa sa tv ang halikan minsan bed scene. Sinong matutuwa dun kahit sabihin pang walang malisya yun still kahit sinong lalaki tatalaban kahit pa babae.
“Lord, kung kailan gusto ko lang siyang pasayahin, bakit ganito ang ending?” muling tumunog ang cellphone niya at this time si Ms. Bea ang executive manager ng MetroBeat. Inuutusan siyang mag report sa office ngayon kaya naman nag mamadali naman siyang umalis. Tutal hindi pa talaga niya kayang humarap kay Red sa ngayon dahil sa kahihiyan sa office muna siya mag rereport. Nag send na lang siya ng message sa binata na may urgent lang siya sa office.
"Pasaway talaga! Ano bang akala niya maiiwasan niya ako ng matagal?" bulong ni Red na tinawagan ang tunay niyang PA at ito na muna ang pinapunta niya sa pent niya dahil marami siyang sked ngayon na hindi puwedeng i-cancel. Saka na niya papatulan si Luna medyo busy lang siya ngayon. Titiyakin nya na ito na ang last time na makakaiwas ito sa kanya. Hawak pa rin niya ang phone niya, pinapanood na naman ang live replay—pang fifth time na yata.
“Bakit parang hindi ako nagsasawa?” bulong niya sa sarili, habang nakatingin sa freeze-frame ng eksenang natumba si Luna at sumalpak sa kanya.
“Sir Red, may good news po ba?” tanong nito tanong ng PA niya habang sakay na sila ng van.
“Hmm,” sagot ni Red, hindi inaalis ang tingin sa cellphone.
“Let’s just say… may bago akong hobby.”
“Girlfriend po?” Napatingin si Red sa PA na si Hugo, bahagyang ngumiti.
“Maybe. Pero hindi niya alam.” ngisi ni Red.
-
-
-
-
-
-
Lahat ng mata ay nakatutok kay Luna habang naglalakad siya papunta sa opisina ni Ms. Bea, ang executive manager. Pakiramdam ni Luna may background music siyang na ririnig na pang funeral march sa isip niya. Pagpasok pa lang, sinalubong siya ng sarkastikong ngiti ng boss niya.
“Well, well, Ms. Mondragon. Viral ka na naman. Akala ko tapos na tayo sa mga ‘Red Ortega’ scandals? Dahil unti-unti ng nahupa ang ginawa mong eskandalo.”
“Ma’am, accident lang po talaga ‘yun!” halos pakiusap ni Luna habang nakataas ang kamay na parang nangangako.
“Accident? Halik sa national heartthrob habang naka-live stream? You have a very interesting definition of accident.” Napayuko si Luna na napakamot sa sintido, pero hindi niya mapigilan ang mapangiti nang bahagya.
“Pero Ma’am, kung titingnan n’yo po ang comments… halos lahat kinilig.” Tumaas ang kilay ni Ms. Bea, napatingin sa kanya
“So proud ka pa?”
“H-hindi naman po!” mabilis na tanggi ni Luna, pero may halong tawa na sunod-sunod na umiling para ang alisin ang kaba sa dibdib niya.
“Just saying… baka po puwedeng maging feature story sa magazine? ‘The Kiss that Melted the Internet?’” usal pa ni Luna na naka isip agad ng title.
“LUNA!” singhal ng boss niya, pero bago pa siya mapagalitan pa lalo, biglang bumukas ang pinto.
Si Red ang dumating na buong akala niya may photoshoot para sa isang commercial nito, pero anong ginagawa ng binata roon.
Deretso itong pumasok na hindi man lang talaga kumatok. Nakasalamin, may hawak na iced coffee, at nakangiting parang walang nangyari.
“Good morning,” wika nito sa lahat.
“Narinig ko kasi na may viral employee kayo dito. Baka puwede kong i-hire full-time.” Halos mapatalon si Luna sa gulat.
“Boss! Anong ginagawa mo dito?” gigil na bulong ni Luna dahil sa timbre ng boses nito baka mapikon na ang amo niya at sesantihin na nga siya bigla. Lumapit si Red sa harapan ni Ms. Bea at nakipagkamay na hindi pinansin si Luna.
“Ma’am, ako na po bahala kay Luna. I believe she’s still my personal assistant, right? Kaya kung ayos lang, dadaan lang po siya muna sa mga schedule ko ngayon. May bagong shoot kami.” Ngumiti si Ms. Bea pero halatang gustong mainis pero wala itong magawa dahil ang MetroBeat napag-alaman niya na major investor pala si Red kaya pala ng sabihin nito na gusto siyang kunin PA ibinigay agad siya ng director.
“Sure. Pero sana, Mr. Ortega, next time— wala ng live streaming na kasama si Ms. Mondragon baka makaladkad nanaman niya ang image mo."
“Promise. Unless gusto n’yong ma-feature ulit ang MetroBeat.” ani Red sabay hawak nito sa braso niya at hinila palabas ng office ng boss na hindi na gawa ni Luna na mag paalam.
"Bakit ka pa pumunta dito?" tanong ni Luna.
"Sinusundo kita, ang boring pala kapag hindi ikaw ang PA ko na tatamad akong mag work."
"Ano naman akala mo sa akin gingko biloba?" tanong ni Luna na tinawanan naman ni Red.
"Sabihin na lang natin na, binubuhay mo ang mga dugo ko. Nawawala ang antok ko kapag nakakagawa ka ng palpak sa buhay ko."
“Hindi ka ba galit?” tanong ni Luna habang naglalakad sila palabas na ng Metrobeat.
“Galit?” sagot ni Red.
“Bakit naman ako magagalit sa taong nagpasaya sa buong bansa nang libre?”
“Pero na-embarrass kita!”
“Hindi mo ako na-embarrass.”
“Eh ano tawag mo dun?” Ngumiti si Red, bahagyang tumingin sa kanya.
“Euphoria.”
“Ha?” salubong ang kilay ni Luna.
"Sabi mo igogoogle ko ang Lulu? bastos ka! Ngayon ikaw naman mag google." ani Red na sinapok pa ng mahina si Luna na napangiti.
"So ginawa mo yun." ngisi ni Luna, ngumiti naman si Red na bahagyang lumingon sandali sa dalaga.
"Pang patangkad yun tang*! tumawa naman si Luna.
“I don’t remember the last time I laughed that hard. Siguro, ikaw ang dahilan kung bakit ngayon lang ulit ako naging tao.”
Hindi nakasagot si Luna sa biglang sinabi ni Red. Ramdam niya ang kakaibang tono sa boses nito—parang hindi biro.
Ngayon lang niya nakita si Red na ganito walang camera, walang ngiti para sa fans—just him.
“Check your social media. Mukhang hindi mo pa nakikita."
"Ang alin?" tanong naman niya na dinukot ang cellphone sa tuto bag niya. Pagbukas niya ng i********:, halos malaglag ang panga niya sa nabasang hashtag at pinost ni Red ang screenshot ng accidental kiss nila, may pa caption pa na...
“Some accidents are worth replaying. #Redmoon"