Nakatingin si Luna sa kisame ng kuwarto niya, na iisip niya si Red kanina right after ng presscon nito. Kahapon pa niya na papansin na parang wala ito sa mood. Mainit ang ulo at laging nakasinghal, normal naman nakikipag biruan nito sa mga staff. Kanina nalang tinanong niya ito kung okay lang ito pero sumagot lang ito ng “Of course. Bakit naman hindi?” pero bago siya umalis ng pent nito narinig pa niya na nag salita ito ng “I hate this life.”
Hindi niya iyon ini-expect coming from him dahil mukha naman itong masaya sa successfull nitong career na sa kabila ng marami nitong scandal at mga pang babatikos, ito pa rin ang gusto ng mga endorser na kunin para sa endorsement at mas lalo pang dumadami ang fans nito. Mas dumadami ang offer dito na kung hindi lang tinatangihan ni Red baka hindi na ito matulog. Kaya buong akala niya gusto nito ang ginawa pero after marinig ang sinabi nito, malinaw na marunong din pala itong mapagod. Hindi lang ito nadaing.
Biglang tumayo si Luna mula sa pag kakahiga at kinuha ang tablet ng schedule ni Red at tingingnan muli ang schedule nito para bukas. Medyo maluwag ang sched nito bukas, ngumiti si Luna. Nang maisip na pasayahin ng konti bukas si Red. Napapitlag pa si Luna ng biglang mag ring ang tablet at makita si Red ang natawag. Bigla siyang napatakbo pabalik ng kama at nag mamadaling humiga at nag kunwaring bagong gising na kunwaring nabulabog siya sa pag sagot.
"Tulog ka na?" tanong pa ni Red.
"Yes, Boss!"
"Ah sige bukas na lang mag tatransfer sana ako ng bayad sa'yo kanina."
"Gising ako boss, ang totoo nag papanggap lang akong tulog." Napabalikwas ng bangon na naupo si Luna na malawak ang ngiti na ikina tikwas ng nguso ni Red.
"Bakit kayong mga babae basta usapan pera ang bibilis n'yo." hindi naman nag comment si Luna.
"Boss na receive mo na na send ko na ang bank details ko. Bale 35k huh!" ngisi ni Luna, nag salubong naman ang kilay ni Red.
"Bakit 35k? Kapal naman ng mukha mo." mabilis naman ipinaalala ni Luna ang utos nito.
"Ginawa ko lahat so bale 35k."
"Hoy! Bansot... wag kang masyado ganid sa pera kaya hindi ka na tumangkad e." natawa naman si Luna.
"Anong kinalaman ng height ko sa usapan natin, ikaw ang wag scammer."
"Ang linaw ng utos ko mamili ka! Hindi ko sinabi na gawin mo lahat."
"Wala kang sinabi na mamili ako, wag kang madaya. Ginaw ko yung tatlo kaya bayaran mo ako." tumawa naman si Red na parang hindi makapaniwal.
"Hindi! 20k lang ibibigay ko, hindi ka marunong sumunod sa instruction."
"Hay! Madaya ka."
"Tutal sabi mo naman madaya ako edi wag na lang kita bigyan ng bayad."
"Eto alam mo napaka mo na talaga, paano ka talaga magkaka GF kung ganyan ka? Kuripot ka na nga ang KJ mo pa. Sige na 20k puwede na yun."
"Parang ayaw mo yata e, wag na nga lang." wika pa ni Red.
"Alam mo guwapo ka lang talaga. Isend mo na!" natawa naman si Red na napailing.
"Yung totoo bakit gusto ng mga babae ang maraming pera."
"Aba malay ko, bakit ako ang tatanungin mo?"
"E babae ka e?"
"Kapag ako ang tinanong mo isa lang ang isasagot ko, mas masaya ako sa pera kesa lalaki."
"Edi kumuha ka ng lalaki na maraming pera at yun ang gawin mong boyfriend."
"Ano naman akala mo sa akin kaladkarin." natawa naman si Red.
"E diba yun naman ang gusto n'yong mga babae, lalaking maraming pera."
"Ikaw bakit gusto mo ng maraming pera? Obvious naman na napapagod ka na mga shoot at shows mo."
"Dahil simple dahil gusto ko bago ako mag settle down mapapahiga ko sa kama na maraming pera ang magiging asawa ko. Na kahit parehas kaming hindi mag trabaho at mag anak ng 5 hindi kami mag hihirap." ani Red na nahiga na sa sofa nito habang si Luna ay nahiga naman ng patagilid sa kama niya habang kausap ito.
"Grabe ka sa 5, maawa ka naman sa magiging asawa mo."
"Ikaw, ilan ba ang gusto mo?"
"Na ano anaK?" tanong ni Luna.
"Oo."
"2 lang."
"Ang onti naman lugi sana man lang minimum of 3."
"Marunong ka pa sa akin, ako ba ang mapapangasawa mo?" tanong ni Luna.
"Syempre hindi." sagot naman ni Red.
"Ikaw mag anak ka ng 5 ako mag aanak ng 2, wag tayong maki-alam sa mga goal natin sa buhay pero bet ko yung idea na pahihigain mo sa kama na maraming pera ang asawa mo, mag sasana all na lang ako pero yung pangingitiin mo ang keps kakaanak ayyyy wititit matit no! no! no! cannot be borrow 1 plus 2."
"Huh?" salubong ang kilay at kunot ang noo na wika ni Red na hindi na intindihan ang sinabi ni Luna.
"Basta, kung sino man yan 1st love mo na iniintay mo. Masaya ako for her kasi biruin mo ang daming babaeng gustong makipag p*****n mapansin mo lang pero ikaw pala itong tipo ng lalaking hopelessly romantic." ani Luna.
"Ayoko lang na mag papalit-palit ng babae, ganun lang yun ka simple."
"Kelan mo balak mag retired sa showbiz industry."
"Kapag inutos niya sa akin?"
"Nino?" tanong naman ni Luna.
"Ng babaeng pakakasalan ko." Sagot naman ni Red. Tumaas naman ang kilay ni Luna nabibigla talaga siya sa mga sagutan ni Red.
Natigil sa pag daldal si Luna ng mapansin na tulog na ang kausap niya na ikina ngiti ng dalaga habang nakatitig siya sa screen. Mag 2am na hindi niya namalayan na ang tagal pala nilang nag daldalan na wala naman mga kuwentang bagay. Parang nag hanap lang talaga ng makakausap si Red kaya bigla siya nitong inabala. Napangiti pa lalo si Luna ng mapansin na 35k nga ang send ni Red sa kanya. Nahiya din siguro ito dahil pinuyat nanaman siya. Mukhang pagod nga ito kaya bigla naging madaldal at nag hanap ng kausap.
"Dahil binayaran mo ako ng tama, bibigyan kita ng bonus bukas." ngiti ni Luna na pinatay na ang call at natulog na din.
-
-
-
-
-
-
Natigilan si Red sa pag bibihis na napalingon ng may marinig na malakas na music na nang gagaling sa labas. Nag salubong ang kilay ni Red na napatingin sa rili 6:30am palang 9am ang utos niya kay Luna na pumunta. Maya-maya pa narinig na niya ang boses nga ni Luna na nakanta na ikinangiti niya at mukhang may dala pa itong videoke. Kaya agad naman siyang napalabas ng kuwarto niya. At doon nga nakita niya na may dalang bluetooth speaker si Luna na ang dami pang ilaw sa palibot ng speaker na malaki. Habang si Luna naman ay bigay todo sa pag kanta na akala mo nag coconcert sa sala niya.
You think I'm pretty without any makeup on
You think I'm funny when I tell the punch line wrong
I know you get me, so I let my walls come down, down
Before you met me
I was alright, but things were kinda heavy
You brought me to life, now every February
You'll be my Valentine, Valentine
Let's go all the way tonight
No regrets, just love
We can dance, until we die
Napangiti pa si Red ng lumapit si Luna sa kanya habang nakasandal lang siya sa hamba ng pinto ng kuwarto niya. Hinawakan siya nito sa kamay at hinila sa gitna ng sala habang may hawak itong maliit na mic. Todo sayaw pa nito sa harapan niya na para silang cha-cha at panay ang ikot nito sa harapan niya na akala mo si Katty perry na nag peperform sa stage. Hindi na nagulat sa talent ni Luna dahil singer din naman at sikat ang Kuya Cloud nito noon.
“Luna—” sasawayin na sana ni Red ito pero hindi na nito natuloy dahil bigay na bigay si Luna sa pagkanta talaga.
"You make me! Feel like I'm livin' a teenage dream. The way you turn me on..." sabay turo kay Red na parang audience ng bumitaw ito at umikot muli sa harapan ng binata. Halos mabilaukan si Red sa pag pipigil sa pag tawa. May pag kendeng pa kasi ito e magaling lang itong kumanta pero matigas ang katawan ng dalaga.
“Ano ka ba! Tumigil ka nga—”Pero lalo lang lumakas ang boses ni Luna.
“Let's run away and don't ever look back, don't ever look back” Sumasayaw pa ito sa gitna ng sala, paikot-ikot, parang lasing sa sarili niyang confidence.
“Teka lang, naka live streaming ako! Huwag kang—” saway pa sana ni Red na itinuturo ang cellphone niyang nasa cellphone stand malapit sa may rack sa gitna ng salas niya. Naka live streaming siya kanina at saglit lang siyang nag excuse para mag palit lang sana ng damit, bigla naman dumating si Luna ng walang pasabi.
“Boss, enjoyin mo lang! Libre concert ‘to!” sigaw pa ni Luna.
Hindi na alam ni Red kung maiinis o matatawa. Ang ending, napaupo siya sa sofa habang pinapanood si Luna na umiikot na parang may sariling spotlight. Tapos sa sobrang kakulitan nito at hindi masaway napatid ito sa carpet ng living room niya.
“AY!” tili ni Luna at bago pa ito mapasubsob mabilis na napatayo si Red nahawakan ang dalaga kaya ang ending sabay silang bumagsak sa sahig buti na lang na tantsa na ni Red ang bagsak nilang dalawa. Pareho silang natigilan. Nagkatitigan sila na parang wala ng may gustong kumurap o gumalaw.
“Uh…” Luna blinked.
“Technically, part ‘yan ng choreography.” lakas loob ng wika ni Luna ng makarecover.
“Talaga?” tanong ni Red, pilit pinipigilan ang ngiti. Agad naman na itinuon ni Luna ang kamay sa gilid ng sofa para tumayo pero dumulas ang kamay niya at muli parehas silang nagulat dahil this time naglanding na ang labi ni Luna sa labi ni Red na nakahiga pa sa sahig. Nag mamadali naman tumayo si Luna na sini-sinok pa.
“So may halik din ba sa choreography mo?” natuptop naman ni Luna ang labi n'ya at napangibit pa dahil sa sunod-sunod na pag sinok niya. Sobrang bilis lang naman ng nangyari, halos isang segundo lang yata pero sapat na iyon para mag-freeze ang mundo ni Luna. Si Red naman ay bumangon na hawak ang labi habang pigil ang ngiti na naaptingin sa dalaga na parang gusto ng mag collapse bigla.
“OMG!” sigaw ni Luna sabay takbo papalayo hila-hila ang dala nitong speaker na nailaw.
“Accident lang ‘yon! Promise! Hindi ko sinasadya!”
“Bansot…hoy! Saan ka pupunta” tawag ni Red na hindi na napigilan ang pagtawa.
“Tigilan mo nga ako!” sigaw ni Luna sabay talikod, pero habang palayo siya, narinig pa niyang mahina ang tawa ni Red.
Nang mawala na si Luna agad na nilapitan ni Red ang cellphone na halos sumabog na sa daming react at comment sa nasaksihan na live streaming.